^

PSN Showbiz

Rustom certified girl na!

OFF TANGENT - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Rustom certified girl na!
Rustom Padilla

MANILA, Philippines - Ganap nang babae si Rustom Padilla.

Ito ay matapos payagan ng korte sa Amerika ang apela niyang pagpapalit ng pangalan.

Legally, siya na si BB Gandanghari.

“This is it! And I thought this day would never come.

“And I thank my GOD and my LORD for making these things happen.

“Everything makes sense now... and to this great country the United States of America for providing this #basichumanright... Thank you!!! #officiallyBBlegallyGandanghari”

Mabilis kung tutuusin ang proseso. Parang kailan lang nang ibalita niyang nag-file siya ng petition sa pagpapalit ng status at pangalan.

Kung siguro sa bansa niya ito ginawa, malamang taon ang bibilangin bago ito madesisyunan.

 

Gabbi Garcia

Gabbi may request sa kanyang debut

“I want it to be a night where all my loved ones are present. Pero ayaw ko ng masyadong traditional. I want to have the typical 18’s but not strictly going by the rules. I just want to spend a fun night with all the special people in my life,” ang hiling ng Kapuso actress Gabbi Garcia sa nalalapit niyang 18th birthday sa December.

Tagged as #SincerelyGabbi, magsi-share si Gabbi ng part ng kanyang buhay na never seen before sa nasabing celebration. Tatlong magkakaibang damit ang susuutin niya na gawa ng kilalang designer na si Mark Bumgarner.

Isa sa mga model ni Bumgarner si Gabbi na lahat nang ginawang damit for her ay bumagay.

Naghahanda rin ng special performances ang mga kapwa Kapuso stars ni Gabbi para sa nasabing debut.

Almost three years ago lang nang nagsimula si Gabbi portraying teenybopper roles alongside on-screen partner Ruru Madrid, but she transformed herself into a fierce and sophisticated actress when she took the role of Sang’gre Alena in Encantadia.

 

Jonalyn Viray

Jona umaarangkada

Wala pang isang taon matapos tumuloy sa kanyang bagong tahanan sa ABS-CBN, iba’t ibang tagumpay na ang nakuha ng power belter na si Jona. Kabilang na rito ang pag-awit ng theme song ng isang Kapamilya teleserye (We Will Survive), ang maging interpreter sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2016, at ang maging bahagi ng tinaguriang Birit Queens ng ASAP.

Maituturing ngang “blessed” si Jona dahil kamakailan ay pumirma na siya ng kontrata sa Star Music at Star Magic bilang isang talent. Kasama niya sa pirmahan sina Star Music head na si Roxy Liquigan, Star Music audio content head na si Jonathan Manalo, ang Star Magic handler niyang si Love Capulong, at ang co-manager niyang si Arlene Meyer.

Sa kasalukuyan, busy si Jona sa pagre-record ng kanyang album.

 “I’m very happy. Mas inspired pa ako to do my work here in ABS-CBN. Parang nag-umpisa na po talaga ang lahat,” sabi ni Jona sa kanyang contract signing.

Bilang isang Kapamilya, matutunghayan na rin si Jona sa kanyang unang solo concert na tinaguriang Queen of the Night: Jona na gaganapin ngayong Nobyembre 25 sa Kia Theater.

Special guests niya sina Jed Madela, Daryl Ong, at Ms. Regine Velasquez-Alcasid.

Mabibili na ang tickets na nagkakahalagang P2,970 (VIP), P2,120 (Orchestra A), P1,910 (Orchestra B), P1,060 (Loge), at P640 (Balcony) sa Ticketnet outlets. Maaari ring tumawag sa 911-5555 o bumisita sa ticketnet.com.ph.           

RUSTOM PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with