^

PSN Showbiz

‘Hindi ako karapat-dapat sa Star sa Walk of Fame’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Maraming salamat kay Federico Moreno dahil napili niya ako na bigyan ng bituin sa Walk of Fame Philippines dahil malaking karangalan ‘yon para sa akin pero feeling ko talaga, wala akong karapatan na magkaroon ng star.

Natanggap ko noong Biyernes ang text message ng secretary ni Federico habang nasa thanksgiving mass ako para sa Papal Award na ibibigay kay AiAi delas Alas.

Sa true lang, kinilabutan ako nang mabasa ko ang message ng secretary ni Federico dahil hindi ako makapaniwala na bibigyan ako ng star sa Walk of Fame.

Nang mag-sink in sa akin ang katotohanan, sinagot ko agad ang message na ipinadala sa akin. Ang sabi ko, hindi ako worthy para sa naturang parangal kaya hindi ko ito matatanggap.

Hindi pa tapos ang homily ni Bishop Antonio Tobias nang mag-ring ang cellphone ko at si Federico ang nasa kabilang linya.

Sinabi ko kay Federico na mag-usap na lang kami uli dahil nasa loob ako ng simbahan.

Pero hindi na magbabago ang desisyon ko, kahit kinukumbinsi ako ni Federico na napakabait at mahirap tanggihan.

Hindi ko talaga ma-imagine na magkakaroon ako ng bituin sa Walk of Fame dahil may iba pa na mas deserving sa akin. Sila ang karapat-dapat na bigyan ng star sa Walk of Fame, hindi ako.

Bong kailangan pa ng dasal

Taos-puso na pasasalamat ang ipinaaabot ni Bong Revilla, Jr. sa lahat ng mga nagdarasal para sa kanyang mabilis na paggaling.

Stable naman ang kundisyon ni Bong nang dalawin ko siya noong Sabado. Ito ang mensahe ni Bong para sa lahat ng mga nagmamahal sa kanya.

“Just want to thank you for your love and prayers. I am overwhelmed with gratitude by good wishes and the kindness you’re sending for my speedy recovery. Thank you.”

Nakabalik na si Bong sa detention cell niya sa PNP Custodial Center sa Camp Crame. Dasal pa rin ang hinihingi ng kanyang misis na si Lani Mercado dahil kung hindi ngayon, bukas malalaman ang resulta ng biopsy sa asawa niya. “Please continue praying for healing” ang hiling ni Lani sa lahat.

Sa Piling… hanggang 2017 pa

Dahil extended hanggang sa 2017 ang Sa Pi­ling Ni Nanay, hindi matutuloy ngayong November 2016 ang airing ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa, ang afternoon soap ng GMA 7 na tatampukan nina Julie Anne San Jose at Benjamin Alves.

Ang Pinulot Ka Lang Sa Lupa ang dapat na ipapalit sa timeslot na mababakante ng Sa Piling Ni Nanay na pinagbibidahan nina Yasmien Kurdi, Katrina Halili at Mark Herras.

Pabor sa cast at production staff ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa ang na-delay na telecast nito dahil may panahon pa sila para lalong pagandahin ang television remake ng 1987 blockbuster movie nina Lorna Tolentino, Gabby Concepcion at Maricel Soriano.

Julie Anne kilig na kilig kay Benjamin kahit hindi pa naririnig ang pangalan

Kinilig si Julie Anne San Jose nang tuksuhin siya ni Marian Rivera sa Sunday PinaSaya tungkol sa isang mhin na nanood ng When Julie Anne Meets Christian, ang concert nila ni Christian Bautista sa Kia Theater noong Biyernes.

Walang binanggit na name si Marian pero obvious na si Benjamin Alves ang tinutukoy niya na nagpakilig kay Julie Anne na rumored girlfriend ng aktor.

WALK OF FAME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with