^

PSN Showbiz

Inah nabiktima ng sindikato

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa pagpapatuloy ng drama series na Oh, My Mama! sa GMA-7, kahit hirap na hirap sa sakit ng katawan, pinalabas pa rin si Maricel (Inah de Belen) sa net. Parehong in pain ang dalawa. Kitang-kita ang pagmamahal ni Julio (Jake Vargas) kay Maricel, hindi man nito sinasabi ang salitang I love you.

Nadatnan pa ni Anita si Julio na nakahiga sa lap ang mahina at nakatulog na si Maricel. Dumating si Sabrina (Jenny Miller) at sinabunutan si Maricel. Sinabi nitong si Robert daw ang bahala at may paglalagyan daw si Maricel. Narinig ni Peewee (Teri Malvar) ang balak ni Sabrina kay Maricel. Sasabihin na sana kay Maricel pero saka naman dumating sina Sabrina, Robert at ang bugaw na si Leo.

Hinawakan ni Leo si Maricel pero pinaalis ni Maricel ang kamay nito kaya nagalit si Robert, kinuha niya ang cutter na gamit ni Maricel sa trabaho at hihiwain na ang kamay ni Maricel.

Hindi naman itinuloy ni Robert ang paghiwa sa kamay ni Maricel. Bumulong si Leo, si Peewee na lang daw ang uunahin nilang ibebenta sa mga parokyano. Takot na takot sina Pewee at Maricel. Nagpasya na sina Maricel at Julio na tumakas, hindi na sila papayag na kukunin si Peewee at may isusunod pa. Patatakasin na sana ni Julio sina Maricel nang bigla namang dumating sina Robert kaya kunwari ay ginagawa lang ni Julio ang trabaho niya.

Nawalan na ng pag-asa ang mga bata sa pagtakas pero pinalakas pa rin ni Maricel ang loob nila. Ang doll ni AA ay kinuha ni Linda, kinukumpiska daw niya ito. Walang nagawa si Maricel, iyak lang nang iyak si AA. Ibinigay ni Maricel kay Peewee ang St. Benedict na ibinigay sa kanya ni Gordon, dinala na nina Leo and Linda si Peewee. Nakuha ni Linda ang St. Benedict from Peewee at pinag-interesan.

Makatakas pa kaya si Maricel at ang kanyang mga kasamahan sa kamay nina Sabrina? Abangan ito sa Oh, My Mama! gabi-gabi sa GMA-7.

INAH DE BELEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with