^

PSN Showbiz

#GandangDiNapakinabangan, Kris aminadong epic snub ang naranasan! AiAi ayaw na sa laswaan

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Kung nagpahayag si LJ Reyes at Paolo Contis na tila sila na ang fore­ver at gusto na nilang magpakasal, tila ganun din ang balak ng estranged wife ni Paolo na si Lian Paz at ang matagal na ring karelasyon nito na taga-Cebu, ang negosyanteng si John Cabahug.

Meron na silang anak at sa katuna­yan, dumating pa ng Cebu ang mommy ni John na si Maria Anna Cabrera Cabahug.

Matagal nang nagtatrabaho sa Amerika ang mommy ni John bilang nurse at umuwi ito ng Cebu para makita ang bago niyang apo at makilala na rin si Lian. Kaagad naging close ang dalawa at kung pupuwede lang, na kung naayos ang annulment nina Paolo at Lian, malamang na papakasal na sina Lian at John sa Cebu.

Nagsimula nang magnegosyo sina Lian at John ng restaurant at binuksan nga nila kamakailan lang ang isa pang branch ng  Luwag sa may SM Seaside na kung saan ang mommy ni John ang nanguna sa ribbon cutting.

PAK: Dahil sa isa nang Papal awardee si AiAi delas Alas, maingat na raw siya sa mga gagawin niya sa mga susunod na concert. Hindi na raw ito kagaya ng dati na balahuraan at kung anu-anong kalaswaan ang mga patawa niya.

Hindi naman daw kailangang banal-banalan siya, dahil hindi naman daw siya santo, pero magiging mapili na raw siya sa mga gagawin niya sa   mga susunod niyang shows at concerts.

Ani AiAi; “Sabi naman sa akin ni Bishop, wala namang dapat mabago sa akin, hindi naman ako santa. Tao pa rin ako na nagkakamali.

Pero siyempre maingat na, may mga restrictions na, hindi na ako puwede mag-tanga, shorts na lang, mga ganun.”

Pagkatapos ng investiture kay AiAi noong kamakalawa ng hapon, inaayos n  a raw niya ang pagpunta nila ng Rome para makaharap ang Pope. Gusto raw niyang personal na makapagpasalamat sa Santo Papa sa papal award na ibinigay sa kanya.

BOOM: Ilan sa miyembro ng media na nakakilala kay Kris Aquino ang naawa sa kanya nang hindi siputin ni Pres. Rodrigo Duterte ang one-on-one interview nila sa Go Negosyo event sa Davao kamakalawa ng hapon.

Pinuri naman nila si Kris dahil na-handle raw nang mabuti ni Kris ang hindi pagkakatuloy ng interview na pinaghandaan pa naman niya nang husto. Ginawang biro na lang nga raw ito ni Kris na kung saan nag-hashtag itong #GandangDiNapakinabangan.

Sa huling post niya kahapon, tinanggap niyang inisnab talaga siya ng ating pangulo.

Sabi niya; “Humble & realistic enough to admit it was an epic snub—but learning so much from @beyonce #Lemonade.

“#GoNegosyo2016AngatLahat (P.S. To all of you: my family, friends, and compassionate netizens—group hug tayo? Thank you for showing me love & appreciation.)”

Sabi nga ng staff ni Pres. Digong, may migraine raw ang ating pangulo, pero nakadalo naman ito sa ibang event na natanguan niya. Tanging itong sa Go Negosyo lang ang hindi niya sinipot kung saan nandun si Kris.

 

 

 

vuukle comment

LJ REYES AT PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with