^

PSN Showbiz

Liza at Enrique paghihiwalayin muna?!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kasalukuyang nasa Korea ngayon sina Liza Soberano at Enrique Gil para sa shooting ng pelikulang My Ex And Whys ng Star Cinema. Mas mature na raw ang tambalan ng LizQuen ngayon sa nasabing proyekto na ipalalabas sa susunod na taon. “Para sa akin mas mature ‘yung relationship ng character namin. Kapag ikaw pinanood mo feeling ko makaka-relate ka. Maraming eksena sa movie na galing sa true to life experiences. Halos lahat ng eksena na mapapanood mo ay galing sa totoong pangyayari at matatawa ka talaga,” nakangiting pahayag ni Enrique.

“It’s a very light movie. It’s a movie where you will fall in love all over again,” dagdag naman ni Liza.

Dating magkasintahan ang karakter ng aktres at ni Enrique sa nasabing pelikula  “Ako ang drummer ng banda sa school na playboy dati. Ngayon paano ko ipu-prove sa ex ko na nagbago na ako. Nagbago na ako pero ‘yung babae, dahil may nagawa ako, nasak­tan. Siya naman ‘yung di nagbabago ang feelings sa akin,” pagbabahagi ni Enrique.

“Very modern ang character ko at ako ‘yung person na takot to fall in love, scared to fall in love again kasi I’m scared to get hurt again,” dagdag ni Liza.

Samantala, may bulung-bulungan na posible umanong magkasama sa isang proyekto sina Liza at Coco Martin. “I’m willing to work, of course. Si Coco, he is a good actor,” giit ng aktres.

Si Enrique naman ay ang Megastar Sharon Cuneta naman daw ang posibleng makasama sa susunod na pelikula. “May mga rumors na dapat may movie kami bago siya umalis ng ABS-CBN. Nakapag-storycon na kami pero may mga nangyari. Ngayon bumalik na siya sa Kapamilya network, kung matuloy, eh di okay. I am excited if ever there’s concept or if ever na matuloy din talaga. I would love to work with her,” kwento ni Enrique.

Jessy ayaw nang patulan ang santambak na bashers

Kabilang si Jessy Mendiola sa regular cast ng Banana Sundae na napapanood tuwing Linggo ng hapon. Sinasabing ang aktres ang bagong kasintahan ngayon ni Luis Manzano pero wala raw problema kay Jessy kung sakaling mag-guest sa kanilang show ang ex-girlfriend ng aktor na si Angel Locsin. “Why not ‘di ba? Ngayon hindi ko po alam pero okay lang po sa akin kung iyon po talaga ang gusto ng mga boss natin, susunod po ako,” pahayag ni Jessy.

Nakararanas ng online bashing ang aktres mula nang maugnay kay Luis. Nagpapasalamat naman si Jessy dahil mayroon siyang mga kaibigan na patuloy na nagtatanggol sa kanya sa mga naninira. “Marami rin po ang nagmamahal sa akin. So maraming nagpoprotekta sa akin. Tulad ng buong Banana family po, sila nagmamahal sa akin,” pagbabahagi ni Jessy.

Aminado ang dalaga na minsan ay hindi na rin niya mapigilan ang sarili na patulan ang online bashers. “May mga bagay na minsan hindi natin kaya pigilan kasi nakakapikon talaga. Kaya kapag napipikon, minsan dedma na lang. Mapipikon ba ako, ang dami nila. Sayang ang energy,” pagtatapos ng aktres.

LIZA SOBERANO AT ENRIQUE GIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with