Kasal na ang sunod nilayasan ang ina, Charice at ka-live in nagsasarili na!
May bulung-bulungan na mayroon daw muling tampuhan sa pagitan ng mag-inang Charice at Raquel Pempengco. Matatandaang nagkaroon din ng hindi pagkakaunawaan ang mag-ina ilang taon na ang nakalilipas. “Siguro po kasi in these past years, nasanay ‘yung mga tao sa lahat ng issues sa nangyari sa aming pamilya,” makahulugang bungad ni Charice.
Unang nagkaroon ng tampuhan ang mag-ina noong inamin ng singer ang pagiging lesbian taong 2013. Nagbigay din si Raquel ng mga pahayag noon tungkol sa pagkadismaya niya sa karelasyon ni Charice na si Alyssa Quijano. Naging maayos muli ang relasyon ng mag-ina noong 2014 dahil natanggap na ni Mommy Raquel ang relasyon nina Charice at Alyssa. “Ang masasabi ko lang po, just like other normal families, kami po ni Alyssa ay hindi na po bumabata. Nandoon na po kami sa point na napagdesisyunan na po namin na bumukod. Right now, my mom is with my brother and other relatives,” pagbabahagi ng singer.
“Nandoon pa rin naman po ‘yung communication. Iba lang talaga sa amin ni Alyssa. Kasi first time kumbaga, in the real world, may sarili na po kaming life together. Let’s just all move on. Para po sa akin, we are good. Alyssa and I are having a great and happy life together. Ang kulang na lang po eh ‘yung next big step (kasal) na hinihintay ng lahat,” dagdag pa niya.
Arjo at Bela magbibida sa movie nina Piolo at Gerald
Magbibida sina Arjo Atayde at Bela Padilla sa OTJ: The Series. Ito ang kauna-unahang original mini-series na mapapanood online sa HOOQ. Hango rin ang nasabing proyekto sa pelikulang ginawa ni Erik Matti na On The Job noong 2013 na pinagbidahan nina Piolo Pascual at Gerald Anderson.
Ayon kay Arjo ay talagang paborito niya ang nasabing pelikula noon kaya masayang-masaya siya na napili siyang maging bida sa bagong proyekto. “It’s an honor to be part of it. It’s also my dream to work with Matti,” nakangiting pahayag ni Arjo.
Kaabang-abang ang magiging karakter at relasyon ng aktor at ni Bela sa nasabing online series. “Two different worlds but still love brings them back somehow,” dagdag ni Arjo.
“Nakakatuwa na maging part ng ganitong series na original content na ilalabas ng HOOQ,” pahayag naman ni Bela.
Makakasama rin sa series sina Christopher de Leon, Leo Martinez, Dominic Ochoa, Smokey Manoloto at marami pang iba.
- Latest