^

PSN Showbiz

Kaye Dacer may sariling radio station na!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Kaye Dacer may sariling radio station na!
Kaye Dacer

Tiyak na marami ang malulungkot sa mga taga­subaybay ng Action Lady radio/TV anchor na si Kaye Dacer sa kanilang tambalan ni Julius Babao sa DZMM tuwing alas-11 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali, ang Action Ngayon na napapakinggan at napapanood mula Lunes hanggang Biyernes kapag natuloy ang pagre-resign nito sa programa matapos ang kanyang 20 taong paninilbihan sa Kapamilya tele­radyo.

Conflict of interest umano ang dahilan ni Kaye kaya siya nagsumite ng kanyang resignation dahil ang pamilya mismo ni Kaye ang major stockholder ng 8 Trimedia Broadcasting Network na siyang nag-o-operate ng 24/7 DZRJ 810 AM Radio Cablelink Channel 7, ang fastest growing radio/TV network ng bansa ngayon.

Mabigat umano ang loob na iiwan ni Kaye ang kanyang minahal na trabaho, ang public service program na Action Nga­yon sa DZMM na kanyang pinaglingkuran sa loob ng 20 taon.

Sa Enero 2017 pa mag-i-expire ang kontrata ni Kaye sa DZMM pero hindi nito alam kung aabot pa umano siya sa buwan ng Enero dahil kailangan niyang tutukan ang operation at pagma-manage ng DZRJ AM Radio na pumapangatlo na sa teleradio at pang-siyam na sa ranking sa lahat ng AM station in Metro Manila in a span of one year.

Although nagsumite na si Kaye ng kanyang resig­nation sa pamunuan ng DZMM, hindi pa umano ito pinapayagang umalis sa kanilang tambalan ni Julius Babao.

Kapag hindi na ninyo narinig at napanood sa DZMM si Kaye, ibig lamang sabihin nito na tinanggap na ng management ng DZMM ang kanyang isinumiting  resignation.

Ganunpaman, mawala man si Kaye sa DZMM, tiyak na ito’y magsu-surface sa DZRJ-AM Radio kung saan siya mismo ang Lady Boss.

Pacman hinihintay na uling magretiro

Sayang Salve A. at hindi nag-materialize na makausap namin ang boxing hero at senador na si Manny Pacquiao para ma-phone patch sana namin sa aming radio program ni Shalala, ang Inside Showbiz sa DZRJ last Sunday afternoon matapos ang panalo ng People’s Champ-politician kay Jessie Vargas sa Las Vegas, Nevada dahil mahina ang signal sa basement ng kanilang kinaroroonan ng businessman-politician na si G. Chavit Singson.

Nakausap namin sandali si G. Chavit na nagsabi sa amin na nagbibihis pa umano si Sen. Manny at napakahina umano ng signal sa kanilang lugar.

Samantala, nagbubunyi na naman ang buong sambaya­nang Filipino at ang mga Pinoy all over the world sa bagong panalo ni Sen. Pacquiao.

Kung tutuusin, napakahirap ng katayuan ni Pacman dahil hindi 100% ang kanyang attention sa kanyang boxing career lately dahil sa kanyang pagiging isang senador.  Nauna na siyang nagretiro na sa kanyang boxing career  pero dahil sa clamor ng kanyang mga fans ay muling bumalik sa ring ang mister ni Jinkee Pacquiao.

Last fight na nga kaya ito ni Pacman o masusundan pa ito ng iba pang laban?

vuukle comment

KAYE DACER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with