Magic ng Pasko ng GMA, ginawang 3D!
MANILA, Philippines - Maniwala Sa Magic Ng Pasko ang nais na ipaabot na mensahe ng GMA Network ngayong Kapaskuhan sa pamamagitan ng kanilang 2016 Christmas Campaign, ang kauna-unahang locally produced 3D animated Christmas campaign na unang mapapanood ngayong Lunes, November 7, sa 24 Oras.
Tatlong kwentong puno ng puso at pag-asa ang hatid ng Kapuso Network para bigyang inspirasyon ang mga manonood na maniwala sa magic na dala ng Pasko.
Ayon kay GMA Chairman and CEO Atty. Felipe Gozon, “During such a busy time of the year, we hope that, by spreading the message of hope, every Kapuso will get to experience the joy and limitless possibilities that come with believing in the magic of the Season.”
Una sa tatlong kwento ang Magic Crayons kung saan tampok ang kakaibang saya ng katuparan ng parangap ng isang bata. “It is felt that the use of animated images best complements the essence of our Holiday message this year – to believe in the magic of Christmas. Through this, it is hoped that even our youngest Kapusos will enjoy our campaign and embrace the meaning of our Christmas message this season,” pahayag ni GMA President and COO Mr. Gilberto Duavit, Jr.
Tunghayan ang unang kuwento ngayong Lunes, November 7, sa 24 Oras. Para sa ikalawa at ikatlong kuwento, promos, at iba pang update sa Maniwala Sa Magic Ng Pasko, tumutok lamang sa GMA-7, bisitahin ang www.gmanetwork.com/magicngpasko, at i-like at i-follow ang GMA Network sa Facebook, Twitter, at Instagram.
- Latest