Kahit hindi magdyowa Derrick ibinukong sa kandungan ni Bea natutulog! Tim Yap sinagot na ang pagkakakaladkad sa isyu ng droga
PIK: Aminado si Derrick Monasterio na hindi niya sineryoso ang panliligaw niya dati kay Bea Binene kaya nabasted siya.
Bata pa raw kasi siya noon kaya hindi lang pala si Bea ang niligawan niya kundi may iba pa siyang isinabay.
“Dati po nanligaw talaga ako sa kanya. Na-turn off po yata siya sa akin, kasi babaero pa po ako nun eh. Siguro dahil bata pa po ako, parang ‘ay ang ganda nito, crush ko, ang ganda nito ligawan ko. Siguro siya tingin niya hindi ako seryoso.
“Parang nililigawan ko siya nun, pero may iba pa akong pinopormahan. Bata pa po kasi ako nun eh,” kuwento ni Derrick.
Agree naman daw dun si Bea dahil ramdam niyang hindi seryoso sa kanya si Derrick. Pero malaki daw ang ipinagbago ngayon ng ka-loveteam niya. Kaya posibleng matuloy sa ligawan ang closeness nila.
“Iba po kasi ang sa amin ni Bea eh. Parang hindi kami, pero parang kami. Minsan nga natutulog ako sa lap niya. Iba na ho ang closeness namin eh,” pahayag pa ni Derrick.
Magkasama na naman ngayon sina Derrick at Bea sa bagong sitcom ng GMA-7 na Tsuperhero kung saan gagampanan ni Derrick ang bagong Pinoy superhero.
Magsisimula na sa susunod na buwan ang Tsuperhero at masaya sila sa taping dahil kampante na sila sa isa’t isa.
PAK: Proud si Nathalie Hart sa Best Actress award na napanalunan niya sa launching movie na Siphayo at isinali sa International Film Festival Manhattan sa New York.
Masasabing isa na raw siyang ganap na aktres at hindi na isang starlet.
“At least hindi na nila puwede akong sabihin na starlet kasi meron na akong award. So, actress na ako.
“It’s a good feeling na, kasi nakakainis na eh,” napapangiting pahayag ni Nathalie.
Hindi pa rin siya gaanong kumportable sa mga daring scenes na ginawa niya sa Siphayo, pero proud daw siya sa akting sa naturang pelikula dahil napiga nang husto ni direk Joel Lamangan.
Huhusgahan naman siya sa November 2 kung saan ipalalabas na sa commercial theaters ang naturang pelikula.
BOOM: Nagulat ang TV celebrity at eventologist na si Tim Yap sa patuloy pa ring pagkaladkad ng pangalan niya sa isyu ng droga.
Hindi raw totoong tumakas siya ng bansa dahil natatakot siyang hulihin.
Ayon kay Tim, hindi siya tumakas, nandito lang siya at abala sa kanyang trabaho.
Sinagot na raw niya ang isyu at dumaan na siya sa random drug test.
“I already subjected myself to random drug tests and all are negative. That should be okay na,” bahagi ng text message sa amin ni Tim.
Wala raw siyang balak na takasan ito dahil sure siyang hindi siya sangkot sa illegal na bisyo.
- Latest