TVplus, panalo ng Stevie Awards
MANILA, Philippines – Nagwagi ang ABS-CBN Corporation ng dalawang Stevie Awards sa katatapos na 2016 International Stevie Awards para sa kaunaunahang digital terrestrial television product sa bansa, ang ABS-CBN TVplus.
Ang Stevie Awards ang pinakaprestihiyosong business awards na kumikilala sa positibong kontribusyon ng mga oraganisasyong pangkalakal at working professionals sa daigdig. Kabilang sa natamo ng ABS-CBN TVplus ay ang Silver International Stevie Award para sa Best in New Product – Media and Entertainment Category at Bronze International Stevie Award para sa Best in Marketing Campaign.
Nitong nakaraang Mayo lamang, nagwagi ang ABS-CBN TVplus sa ikatlong Asia-Pacific Stevie Awards kung saan ang produktong nagbibigay ng malinaw na panonood ng telebisyon ay nagkamit ng Bronze Stevie for Best in New Product Innovation at Bronze Stevie for Best in Branded Development.
Kinikilala ang ABS-CBN TVplus bilang pinakamalaking pagbabago sa Philippine TV sa pagtransporma nito ng panonood ng Pilipino ng telebisyon. Mapapanood sa ABS-CBN TVplus ang free-to-air channels tulad ng ABS-CBN and ABS-CBN Sports +Action at apat na premium channels kasama na ang CineMo!, ang all-day movie channel, YeY!, isang all-day children’s entertainment channel, ang Knowledge Channel, na nag-eere ng curriculum-based programs, at DZMM Teleradyo, ang nangungunang AM radio station sa telebisyon.
Sa ABS-CBN TVplus rin mapapanood ang KBO (Kapamilya Box Office), ang bagong prepaid pay-per-view service na nagpapalabas ng bagong pelikula, live events, teleserye marathons at iba pang espesyal na palabas.
- Latest