^

PSN Showbiz

Hindi magawa sa gf, aktor sa massage parlor naglalabas ng landi ‘pag nakakainom!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Madaling maapektuhan ng agua de pataranta ang isang aktor. Ilang lagok pa lang ang kanyang nakokonsumo ay nakakaramdam na agad siya ng kakaibang trip.

Nag-iinit na agad ang kanyang katawan, kakaiba ang kanyang nararamdaman, gusto niyang umakyat sa langit-langitan ng kaligayahan.

Madalas makita ang male personality sa isang massage clinic. Impernes, nagpapamasahe naman talaga siya, pero mahilig humiling ng extra service ang guwapong lalaking personalidad.

Kuwento ng source, “Hindi siya makulit malasing, tahimik lang siya, pangiti-ngiti lang, pero nag-iinit naman ang katawan niya. Kailangan niyang i-release ‘yun!

“Kaya kapag lumalabas silang magkakaibigan at nakakailang lagok na siya, e, asahan mo nang bigla na lang siyang nawawala. Alam na ‘yun ng mga kabarkada niya, expected na nila ‘yun.

“Kailangan niyang magpamasahe, ‘yun ang sagot sa nararamdaman niya. ‘Yun ang paraan niya para hindi sumakit ang puson niya. Massage with extra service ang kailangan niya,” pagpapatotoo ng aming impormante.

Hindi siya nagpupunta sa masahihan nang hindi siya nakainom. ‘Yun ang pampalakas ng loob ng aktor, kailangan munang masayaran ng alak ang kanyang lalamunan, para makahirit siya ng extra service.

“Pero tahimik lang siya, hindi siya nangungulit, ‘yun naman ang maganda sa kanya. Pinupuri pa nga siya ng mga girls, marespeto raw siya, talagang mainitin lang ang katawan niya.

“Ibinuking nga siya ng mga katropa niya, e. ‘Yung hindi raw niya magawa sa girlfriend niya, e, sa iba na lang niya hinahanap. Ganu’n!” tawa nang tawang kuwento pa ng aming source.

Ubos!

Liza walang amnesia kaya inuulan ng suwerte  

Kahit saang anggulo tingnan ay hindi lang basta maganda ang young actress na si Liza Soberano. Kayang-kaya niyang dalhin ang kanyang sarili.

Bukod sa mga katangiang pisikal ng dalaga ay walang kanegahang idinidikit sa kanyang pagkatao. Naturingang laking-Amerika, pero hindi naapektuhan ng Western culture si Liza, Pinoy na Pinoy ang kanyang ugali.

Hindi na nakapagtataka kung bakit kapag tinatanong ang mga kabataang lalaki ay siya ang isinasagot sa tanong kung sino ang crush nilang artista. Garantisadong si Liza Soberano ang kanilang pinipili dahil ibang-iba ang appeal ng dalaga.

Nu’ng nakaraang Star Magic Ball ay siya na naman ang umani nang sobra-sobrang papuri. Siya na nga ang tinanghal na best dressed ay siya pa ang kinukulapulan ng pagtatangi ng ating mga kababayan dahil kering-keri niya ang abuhing gown na dinisenyo nila ni Michael Cinco.

Habang nagtatago ang maraming kasamahan niya sa itim na kulay ng gown na nakapagpapaliit ng katawan ay hayun naman si Liza Soberano, dalang-dala niya ang kulay ng gown na kung isusuot ng iba ay magmumukhang nanay, ibang-iba ang dating ng magandang young actress.

“Napakabait ng batang ‘yun, wala siyang kaarte-arte sa katawan. Tahimik lang siya, nakangiti lang, napaka-positive niya,” papuri kay Liza ng isang kaibigan naming nabigyan ng pagkakataong makasama siya sa isang pictorial.

At masarap banggitin na marunong tumanaw ng utang na loob si Liza Soberano. Ang discoverer niya na nagdala sa kanya kay Ogie Diaz bilang manager ay hindi niya pinababayaan.

Talagang malayo ang kanyang mararating, mas marami pang biyaya at suwerte ang mahahawakan ni Liza, dahil marunong siyang magpahalaga sa mga taong nakatutulong sa kanya.

 

PARLOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with