Third Party may screening hanggang Papua New Guinea
MANILA, Philippines – Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsama-sama ang tatlo sa pinaka-exciting na pangalan sa Philippine showbiz – Sam Milby, Zanjoe Marudo at Angel Locsin sa isang pelikulang tatalakay sa love, new beginnings at second chances sa The Third Party na mapapanood sa iba’t-ibang bansa simula ngayong October via TFC@theMovies. Ibabahagi ng pelikula ang kuwento ni Andi (Locsin), isang babaeng hindi pa nakakalimot sa kaniyang dating karelasyon na si Max (Milby). Makalipas ang ilang taon ay magkikita silang muli at aasa si Andi na matutuloy pa ang naudlot nilang relasyon. Ngunit laking gulat ni Andi nang ipakilala ni Max ang karelasyon niyang si Christian (Marudo).
Panoorin ang The Third Party sa mga sumusunod na araw: October 16 sa Italy; October 20 sa Papua New Guinea; October 21 sa Canada, USA at Saipan; October 22 sa Vienna at Austria; October 23 sa Madrid, Spain; October 22 at 23 sa United Kingdom; at October 30 sa Hong Kong at Barcelona, Spain.
- Latest