^

PSN Showbiz

Ogie kabado sa anak na kamukha ni Selena Gomez!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Pino-promote na ni Ogie Alcasid ang concert nila nina Louie Ocampo at Rey Valera sa Kia Theater billed Songwriters Series Kanta Ko, Panahon N’yo. Sa December 2 ito at produced ng Viva Live ang one-night concert featuring their biggest hits.

Mabibili na ang tiket sa nasabing concert at ito yata ang nabanggit ni Ogie na concert niya sa September, pero naiba na ang petsa. Sa compositions pa lang ng tatlo, maeengganyo ka nang manood.

Samantala, next year dito na titira sa bansa ang eldest daughter nina Ogie at Michelle van Eimeren. Mapapadali sa dalaga ang pasukin ang showbiz na sabi ni Ogie, hilig nito, pero mas gusto ni Ogie na ang pagiging novelist ang i-pursue ng anak.

Kuwento ni Ogie, mahusay magsulat si Leila at pati siya napahanga nang mabasa ang sinulat nitong novel sa school.

Ngayon pa lang, kinakabahan na si Ogie dahil tiyak na marami ang manliligaw sa anak na maganda, sexy at Selena Gomez look-alike. Magiging stage father tiyak si Ogie at nang marinig sa press na puwede sa showbiz ang anak dahil malakas ang sex appeal, napatili ng “Ayokong marinig ‘yan!?”

Gabby pinangaralan sina KC at Garie

Ang ganda ng picture nina Gabby Concepcion kasama ang mga anak na sina KC at Garie Concepcion. Sa post ni KC sa Instagram (IG), ang ama ang nag-imbita sa kanila ni Garie.

“Thanks for inviting us to lunch & giving us all that useful life advice for days, pops! Always giving us both sides of a coin, another side of the story.”

Bongga ang hashtag ni KC sa picture nilang mag-aama lalo na ang #FeelsLikeHesOnlyThirtySomething #TwoGirlsAndAPop #ModernFamily. Ang pinanghinayangan ng followers ng Concepcion family ay hindi nila nakasama si Cloie Syquia na nag-post naman ng picture kasama ang stepdad at ang caption ay “Me and my Dad #Pappa I love you!”

May nag-comment na sana raw mapatawad na ni Cloie si Gabby at sana muli silang magkita ng ama ‘pag bumalik siya ng bansa to compete sa Miss Earth sa October 29.

Anak nina Drew at Iya babad na agad sa social media!

Nakakatuwa sina Drew Arellano at Iya Villania dahil unlike the other celebrity parents, ipinakita nila agad sa followers nila sa social media ang first baby nilang si Antonio Primo Villania-Arellano. Ang daming pictures ni Baby A (tawag ni Iya sa baby) sa Instagram (IG) ng mag-asawa.

Sa isang picture na natutulog si Baby A, nakatingin lang sa kanya si Iya at ang caption ay “Totoo yung chismis...Walang masyadong tulog once you give birth but then you discover how selfless you can actually be. Sleep isn’t as important as attending to him. I love this little boy so much!!! Seems like he enjoyed his first night home.”

Balang ramdam na sikat na

Nakakatawa si Balang nang makausap sa interview para sa #Like nila ni Tom Rodriguez dahil hindi aktres sa Kapuso Network ang crush niya, kundi ang Zumba instructor at isang dancer. Nang i-point out ng mga reporter na matatanda sa kanya ang crush niya, ang sabi’y mahilig siya sa mas matanda sa kanya.

Hindi alam ni Balang ang timbang niya, pero nagda-diet siya at hindi na nagdi-dinner at merienda ang huling kain niya sa araw.Marami ang nakakain niya ‘pag  adobong kangkong, ginisang repolyo at banana cue ang inihahain na favorite niya.

“Oo” agad ang sagot ni Balang sa tanong kung feeling niya sikat siya dahil kahit saan magpunta, marami ang nagpapa-picture at nagpapapirma ng autograph.

vuukle comment

IACT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with