Babaeng kapos sa pag-iisip pinagsamantalahan ng ninong
MANILA, Philippines - Isang babaeng may Intellectual Disability si Rosie, ang walang awang hinalay ng apat na kalalakihan. Ang isa rito ay ang itinuturing pa niyang ninong na si Rigor.
Mula pagkabata ay nasubaybayan ni Rigor ang paglaki ni Rosie at ng kanyang mga kapatid at sa kabila ng pagiging isang special child ay lalaking maganda at kagiliw-giliw si Rosie. At ang kagandahang ito ang magtutulak kay Rigor para mamuo ang makamundong pagnanasa sa dalaga.
Sa una’y aakalain ng buong pamilya nina Rosie lalo na ng kanyang ama at ina na nagmamalasakit lamang si Rigor subalit ang pagmamalasakit palang iyon ay mauuwi sa isang maitim na balak.
Isang gabi, kasama ang tatlo pang lalaki, makakasalubong ng lasing na si Rigor si Rosie at doon nito isasagawa ang karumal-dumal na panggagahasa kay Rosie. Nang makaraos ay ipapasa niya ito sa tatlong lalaki at gagahasain ulit si Rosie ng mga ito. Ikukulong nila si Rosie, babalik sa pag-iinom at saka babalikan na ulit si Rosie. Pero sa kabutihang palad ay nakatakas si Rosie.
Magtatatakbo si Rosie at maghahanap ng pagtataguan. Halos palapit na sa kanya ang mga ito kaya gagapang siya palayo ng lugar. Makakabalik naman ito ng bahay at malalaman ng pamilya niya ang nangyari sa kanya.
Hindi nag-aksaya ng oras si Rina at noong araw ding ‘yon, nagsumbong sila sa pulis at nahuli agad ang tatlong lalaking gumahasa kay Rosie, pero hindi si Rigor. Dahil sa nangyari, masisira ang magandang samahan ng pamilya nina Rigor at Sonya. Naging tahimik at mainitin din ang ulo ni Rosie. Pero inintindi ito ng pamilya niya. Ang hindi alam, nabuntis pala ito at nalaman na lang nila noong duguin ito at malaglag na ang dinadala ni Rosie.
Dagdag pa sa nararanasang kalbaryo ng pamilya ni Rosie, ang pananakot ni Melda (misis ni Rigor) na sisiguraduhin niyang mapapalayas ang mga ito sa bahay ni Mama Thelma, na hindi din naman nangyari dahil inunawa pa rin nina Mama Thelma ang kalagayan nina Rosie. Siniraan pa ni Melda ang pamilya ni Rosie sa kanilang lugar telling people na gumagawa lang ang mga ito ng kuwento para perahan sila.
Itinatampok sina Joanna Marie Tan bilang Rosie, Elle Ramirez bilang Rina, Cris Villanueva bilang Rigor, Allan Paule bilang Nestor, Yayo Aguila bilang Sonya, Sheila Marie Rodriguez bilang Melba, Barbara Miguel bilang Young Rosie, Kim Belles bilang Young Rina, Dex Quindoza bilang Jomer, Suzanne Ison bilang Jessa, Tonio Quiazon bilang Noy at Eva Darren bilang Thelma.
Mula sa direksyon ni Rechie del Carmen, mapapanood ang Magpakailanman mamaya pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA-7.
- Latest