^

PSN Showbiz

Aktres na pinaghintay ng walong oras ang mga katrabaho, naghahagilap ng pagkakakitaan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ang nakaraan ay may malaking kinalaman sa kasalukuyan. Palaging may koneksiyon ang kahapon sa ngayon. Kahit nagbago na ang sangkot sa usapin ay palagi pa ring babalik ang isang nakaraang hindi kagandahan.

May isang babaeng personalidad na nangumusta sa isang dati niyang pinagserbisyuhan bilang artista. Kumustahan lang nu’ng una pero nauwi ‘yun sa pakiusap ng aktres kung puwede siya uling magtrabaho sa produksiyon dahil kailangang-kailangan niya ng trabaho.

Hindi nakasagot agad ang nasa kabilang linya. Ang nagbalik ay ang alaala ng kahapon kung paano pinahirapan ng aktres ang production staff. Malaking halaga ang nawala sa kumpanya dahil sa pagiging pasaway ng aktres.

“Tingnan natin,” ‘yun lang ang nasabi ng kausap ng aktres. “Kapag may role na babagay sa iyo, patatawagan kita.” Walang kasiguruhan ang sagot na nakuha ng female personality.

Rewind tayo. Ilang taon na ang nakararaan ay kinuha ng nasabing produksiyon ang aktres sa isa nilang proyekto. Maganda ang papel na ibinigay sa kanya, palagi siyang kasama sa mga eksena ng bida, pero sising-alipin ang produksiyon nang magsimula na siyang maging pasaway.

Kuwento ng source, “On the set na ang lahat, siya na lang ang wala. Patay ang phone niya, pati ng PA niya, kaya ang ginawa ng isang staff, e, pinuntahan na lang siya sa bahay.

“Tulog na tulog pa siya, walang may lakas ng loob na gisingin siya, natatakot ang mga kasambahay niya. ‘Yung sumundo ang gumising sa kanya, pahirapan! Ayaw magising ni ____(pangalan ng pasaway na aktres).

“Finally, after three hours, napilit din siyang bumangon ng staff. Pahirapan ang paliligo niya, ang paghahanda sa mga gagamitin niya sa taping, inabot sila nang six hours!

“Bumiyahe pa sila, nasukol ng traffic, kaya walong oras bago sila nakarating sa set. May kulaba na sa mata ang mga nandu’n sa kahihintay sa kanya, halos lupaypay na ang mga veteran stars.

“Mula nu’n, sinabi ng producer na kahit ano’ng mangyari, never na nilang kukunin uli ang pasaway na aktres. Paano siya bibigyan ng work ngayon, e, todong pahirap ang ginawa niya nu’n sa production?” mahabang litanya ng source.

Ubos!

Sarah napagod na sa kakatrabaho, gusto namang paligayahin ang sarili

Dahil sa pansamantalang pamamahinga na hinihingi ni Sarah Geronimo ay kung anu-anong kuwento na ang naglalabasan ngayon. Pinagdududahan ng iba na nagdadalantao siya, ‘yun daw ang dahilan kung bakit napabalitang magpapakasal na sila ni Matteo Guidicelli, pero hindi naman ‘yun makambalan ng ebidensiya.

May mga kuwento rin na kailangan niyang ipahinga ang kanyang boses, may punit na raw ang kanyang vocal cord, baka raw matulad siya kay Nora Aunor kung hindi niya aagapan ang problema.

Pero mas maraming naniniwala na nakakaramdam na ng pagod si Sarah. Katorse anyos pa lang kasi ang magaling na singer-actress ay trabahong-kalabaw na siya, dumarating din siyempre sa ating buhay ang pagkabagot sa ginagawa nating masyadong rutinaryo, hindi naman makina si Sarah.

At kung totoo ngang gusto na niyang mag-asawa ay madaling maiintindihan ‘yun ng lahat, lalo na ng kanyang mga tagahanga, dahil wala na siyang kailangang patunayan pa sa kanyang career at nasa wastong edad na siya para lumagay sa tahimik.

Napakalaki ng milagrong ginawa ni Sarah para gumanda ang buhay ng kanilang pamilya. Araw-gabi niyang pinagsakripisyuhan ang mga negosyong meron sila ngayon, ang pagpapaaral niya sa ibang bansa sa kanyang mga kapatid, ang lahat-lahat ng meron ang kanyang pamilya ngayon.

Hindi materyal na bagay ang makapagpapaligaya kay Sarah Geronimo, ang pinakamakabuluhang premyong puwedeng ihandog sa kanya ngayon ay ang kasiguruhan ng kanyang kinabukasan, ang mamuhay na kasama ang lalaking nagmamahal sa kanya para bumuo sila ng sarili nilang mundo kasama ang kanilang mga anak.

 

PALM CONCEPCION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with