^

PSN Showbiz

Janine tanggap si Janella kay Elmo!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hindi isyu sa magkasintahang Elmo Magalona at Janine Gutierrez na may iba silang ka-loveteam nga­yon. Si Elmo sa Kapa­milya star na si Janella Salvador at si Janine sa kapwa niya Kapuso na si Aljur Abrenica.

Magkatambal sina El­mo at Janella sa bagong teleserye ng Dos, ang Born for You habang si Al­jur naman ang bagong kapareha at ka-loveteam ni Janine sa bago nilang teleserye sa Kapuso Network, ang Once Again.

Aware pareho sina Elmo at Janine na nili-link sila sa kanilang respective partners pero hanggang doon lamang daw ‘yun dahil off-cam ay sila pa ring dalawa.

Dating magkasama sa Kapuso network sina Elmo at Janine at silang dalawa rin ang ginawang loveteam hanggang magdesisyon ang mother-ma­nager ni Elmo na si Pia Arroyo-Magalona na ilipat ang anak sa Kapamilya Network.

Nasa magkalabang TV network man ngayon sina Elmo at Janine, hindi ito hadlang sa kanilang re­lasyon dahil iba naman daw ang trabaho sa kanilang relasyon.

Baron winawasak pa rin ng alak!

Marami ang nanghihinayang sa actor na si Ba­ron Geisler na madalas mapasabak sa gulo na may kinalaman sa kanyang pagiging alcoholic na ang buong akala ng marami ay gumaling na matapos magpa-rehab.

Dapat siguro kay Baron ay umiwas muna sa mga gimik nang hindi ito napapaaway dahil sa kalasingan.

Walang ibang makakatulong kay Baron kundi ang sarili niya.  Kung gusto talaga niyang magbago, umiwas siya sa mga lugar na may alak.

Sayang si Baron dahil isa siyang mahusay na actor pero siya mismo ang sumisira sa kanyang sarili at sa kanyang career.

Naudlot na pagba-bayani ni Aljur rumaratsada na

Natutuwa ang Kapuso singer-actor na si Aljur Abrenica na natuloy din sa wakas ang pagsasapelikula ng Kapitan Puli na kanyang pinagbibidahan sa kabila ng problema na pinagdaanan ng produksiyon na may kinalaman sa finances.

Dahil kalahok sana ang nasabing pelikula sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) pero at the last minute ay iniatras ito. Mabuti na lamang at ito’y sinalo ng T-Rex Entertainment Production para mabuo at maipagpatuloy ang proyekto na pinamamahalaan ni Gil Portes.

Since isa itong true-to-life story, personal ding nag-research si Aljur sa totoong buhay ni Hermano Puli (Apolinario dela Cruz), isang bayani ng Lucban, Quezon.

ILOCOS NORTE

LAOAG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with