Aktres na salamat po dok ang beauty, parang invisible ‘pag may bumabati!
Dismayado ang fans sa aktres na nagsuplada sa isang showbiz event.
Naimbyerna ang fans dahil tinawag nila ang aktres pero wala itong narinig. Dedma raw ang aktres na feeling sikat pero iisa pa lamang ang movie na nakatsamba sa box office.
Feeling invisible ang aktres kaya hindi napigilan ng fans na magtaray. Mabuti raw sana kung hindi nila alam na salamat po doktor ang beauty ng aktres na nalulunod sa isang basong tubig.
Balikan nina Bossing at AiAi inaabangan
Ipakikilala na ng Kapuso Network ang buong cast ng Hay, Bahay!, ang sitcom na ipapalit sa Vampire Ang Daddy Ko.
Magsisimula ang Hay, Bahay! sa June 19 at starring sa kaabang-abang na sitcom sina AiAi delas Alas, Vic Sotto, Jose Manalo, Wally Bayola at ang mag-asawang Kristine Hermosa at Oyo Sotto.
Subok na ang malakas na hatak sa masa ng loveteam nina Bossing at AiAi kaya tiyak na susuportahan ng televiewers ang Hay, Bahay!
Willie puring-puri si Mark Villar
Dinalaw ko si Willie Revillame sa taping ng Wowowin noong Sabado. Happy si Willie dahil patuloy na tumataas ang rating ng game show niya sa GMA 7.
Ang sabi ni Willie sa akin, happy din ang management ng GMA 7 dahil pang-primetime ang ratings ng game show niya na magkakaroon ng mga show sa Middle East, London at Italy.
Nagpapasalamat si Willie sa lahat ng mga patuloy na sumusuporta sa game show niya at siyempre, sa pagtitiwala na ibinibigay sa kanya ng Kapuso management.
Si Papa Rody Duterte ang ibinoto ni Willie na presidente noong nakaraang eleksyon. May gagawin dapat si Willie na campaign ad, kasama si Robin Padilla para kay Papa Rody pero hindi natuloy.
Hoping si Willie na malaking pagbabago ang magaganap sa bayan natin kapag nagsimula na ang panunungkulan ni Papa Rody. Pero sa puso ni Willie, deserving din na maging pangulo ng Pilipinas si former Senator Manny Villar.
Puring-puri ni Willie ang kabutihan ni Papa Manny at ng misis nito na si Senator Cynthia Villar. Parang mga tunay na magulang ang turing ni Willie kay Papa Manny, ang presidential candidate na sinuportahan niya noong 2010.
Isa ako sa mga makapagpapatunay ng tunay na mabubuting tao ang Villar couple at ang kanilang mga anak.
Ikinuwento ni Willie sa akin ang pagkagulat niya nang dalawin siya ni Congressman Mark Villar sa studio ng Wowowin para personal na magpasalamat sa kanya. Hindi inaasahan ni Willie ang kind gesture ni Mark na marunong tumanaw ng utang na loob at sure ako na magiging mahusay na secretary ng DPWH.
Randy walang alam sa nangyayari kay Claudine
Nagkita rin kami ni Randy Santiago sa taping ng Wowowin noong Sabado. Walang alam si Randy tungkol sa tunay na sakit ng kanyang sister-in-law na si Claudine Barretto. Hindi na updated si Randy sa mga nangyayari kay Claudine buhat nang makipaghiwalay ito sa kanyang kapatid na si Raymart Santiago.
Ibinalita lang ni Randy sa akin na may restaurant si Raymart sa Bonifacio Global City. Ang restaurant business ang pinagkakaabalahan ni Raymart na napapanood sa Hanggang Makita Kang Muli, ang afternoon teleserye ng GMA 7.
- Latest