^

PSN Showbiz

Angel ayaw pa ring pumiyok sa Darna, P30 milyon na donasyon ni Kris, pinagdududahan!, Kaharutan ni Alden lumitaw na

SEEN SCENE - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Na-pull out sa mga sinehan ang Magtanggol, ang tila inilihim na pelikula nina Tom Rodriguez, Yam Concepcion, Dina Bonnevie at Ejay Falcon. Inalis sa mga sinehan ang pelikula dahil sa kawalan ng nanonood.

SCENE: Ang mahabang litanya ni Siegfried Barros Sanchez, ang direktor ng Magtanggol. Hindi matanggap ni Sanchez na na-pull out sa SM Cinemas ang kanyang pelikula.

SEEN: Maharot si Alden Richards sa kanyang Trumpets dance moves. Baliw na baliw ang AlDub fans sa mga giling ni Alden.

SCENE: Umalis kahapon sina Liza Soberano at Enrique Gil para sa taping ng Dolce Amore sa Italy at sa mga show nila sa England at Germany.

SEEN: Ang exhibit ng Muhammad Ali memorabilias sa Smart Araneta Coliseum, ang venue ng Thrilla in Manila, ang makasaysayan na laban nina Ali at Joe Frazier noong October 1, 1975.

SCENE: Gumanti si Kiray Celis kay Enchong Dee nang sabihin nito na maasim siya. Ibinulgar ni Kiray sa presscon ng I Love You To Death na hindi nagsepilyo ng ngipin si Enchong nang kunan ang kissing scene nila.

SEEN: May mga nagdududa sa P30 million campaign contribution ni Kris Aquino sa vice presidential candidacy ni Congresswoman Leni Robredo.

SCENE: Dumalo kahapon ang magkapatid na Enchong at AJ Dee sa arrival ceremony para sa BRP Gregorio Velasquez, ang kauna-unahang oceanographic research vessel ng Pilipinas na ipinangalan sa kanilang great grandfather. Regalo ng U.S. government sa Philippine government ang BRP Gregorio Velasquez.

SEEN: Hindi itinatanggi at hindi kinukumpirma ni Angel Locsin ang balita na siya pa rin ang gaganap na Darna.

vuukle comment

MARICEL LAXA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with