Gerald at Bea may nagbabadyang part two!
Nagsisimula na pala sa isang pelikula na ididirek ni Dan Villegas sina Gerald Anderson at Bea Alonzo. Huling pelikula ni Gerald na napanood ang pagtatambal nila ni Arci Muñoz samantalang nag-cameo naman si Bea sa movie ni Dawn Zulueta with Piolo Pascual and Coleen Garcia.
Inaasahang papatok ang movie sa direksyon ng isang maituturing na baguhang pangalan sa paggawa ng romcom.
Sa mga hindi nakakaalam nagkaroon ng relasyon sina Bea at Gerald noong 2010. May tsansa kayang magkaayos sila ngayong madalas ang pagkikita nila sa shooting ng kanilang pelikula?
Andi ramdam na hindi kakayanin ng anak ang gulo sa showbiz
Pinasok ni Andi Eigenmann ang pag-aartista na puro maganda ang expectations. Ito ang trabaho ng kanyang mga kamag-anak at wala naman siyang nakita na hindi magagandang bagay na maaaring makapagpaatras sa kanya sa mundo ng showbiz. Noon lamang nagsimula ang pagdududa niya nang hindi maasam ang mga pinapangarap niya. Mayroon ba siyang hinihintay?
“Pero palaging andun ang realization na I was born into this. At sa kabila ng napakaraming gulo na ibinibigay ng trabaho ko, wala akong nararamdaman na pagsisisi. Masaya ako sa trabaho ko, kuntento ako sa buhay ko,” pag-amin ng kabataang mas pinatatapang ng mga pagsubok.
“Akalain ko bang manalo si Mommy (Jaclyn Jose) ng award sa Cannes (Film Festival)? Malaking sorpresa rin ang pagkakapili sa akin ng isang popular na magasin bilang Best Dressed. Pero andun kaming lahat, ninamnam ang magandang pagkilala na ibinigay sa amin. We were just there, to have the feel kung paano makasali sa ganun kalaking event. Pero mas malaking bagay pala ‘yung nakalaan para sa amin. Napakalaking achievement ang dumating at the time na we least expect it,” dagdag pa ng aktres.
Pero sa kabila ng mga pagkilala at papuri, hindi pa rin papayagan ni Andi na mag-artista ang anak niyang si Ellie. “Baka hindi niya kayanin,” paliwanag niya.
Suwerte ni Kiray hindi na mapigilan
Mahirap ding pigilan ang pagdating ng swerte kay Kiray Celis. Matapos makapareha si Derek Ramsay at magampanan ang role rin ni Solenn Heussaff na tinangkilik ng manonood ay heto na naman ang nagiging paboritong artista ng Regal at kay Enchong Dee naman ipapareha.
Katulad din ang kuwento ng movie nila ni Enchong sa kuwento nila ni Derek kung saan ay siya ang naghahabol sa lalaki. Hahabul-habulin din niya si Enchong at katulad ni Derek ay magkakaroon sila ng love scenes at kissing scenes.
May nabuong loveteam sa pagitan nila ni Enchong, ang ChongKi na nagbabadya ng marami pang kasunod na pelikula kapag nagtagumpay itong una nilang pagsasama.
Vina biglang gumulo ang buhay
‘Yung tinahi-tahimik pala ng buhay ni Vina Morales ay nagbabadya rin pala ng gulo na aabot pa ng korte. Nagpasya itong kasuhan ang ama ng kanyang anak na si Cedric Lee ng paglabag sa kautusan ng korte nang kunin nito ang anak nila at panatilihin sa kanyang poder ng ilang araw habang nasa labas ng bansa ang ina nito.
May kasunduan sina Vina at Cedric sa kung kailan pwedeng makuha o mahiram ng ama ang kanilang anak. May itinakdang visitation rights ang korte para sa ama ng bata at sinasabi ni Vina na nilabag ito ni Cedric.
- Latest