^

PSN Showbiz

Kasaysayan sa bayan ni Juan pwede ring tikman!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang historical food trip ang handog ng I Juander ngayong Miyerkules (June 8) kasama sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario kung saan aalamin ng mga host kung anu-ano ang mga pagkaing naging bahagi ng kasaysayan ni Juan.

Ang kasaysayan ng Pilipinas, hindi lang daw mababasa sa mga libro o maririnig sa mga kuwento-kuwento—puwede rin daw itong matikman.

Ibabahagi ng I Juander ang mga pagkaing paborito raw ng kinikilalang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo: gaya ng tinatawag na Pansit Henoi at ang Pinasubong Manok sa Asparagus.

Pumasa rin kaya ang mga ito sa panlasa ng makabagong Juan?

Ang tinagurian namang Ina ng Katipunan na si Melchora Aquino, na mas kilala sa bansag na Tandang Sora; pati na rin ang binansagang Joan of Arc ng Ilocos na si Gabriela Silang, may kanya-kanya rin palang specialty. At ‘yan ang susubukang lutuin ng magkapatid na Chef Nap at Chef Joy.

Abangan lahat ng ito ngayong Miyerkules sa I Juander, 8 p.m. sa GMA News TV.

CITIZEN’S ARREST

PANFILO PING LACSON

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with