Matteo at Sarah sa 2020 pa nagbabalak pakasal!
Ang pelikulang Catch Me, I’m In Love ang pinagtambalan noong 2011 nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson kung saan tampok din si Matteo Guidicelli at idinirek ni Mae Cruz-Alviar. Tinampukan din ito nina Christopher de Leon, Dawn Zulueta at iba pa.
Kung hindi kami nagkakamali, sa nasabing pelikula na-link sa isa’t isa sina Sarah at Gerald na hindi nga lamang nagtagal.
Sa nasabing pelikula ay magkababata at mag-best friends ang character nina Sarah at Matteo na ang huli ay secretly in love sa character ng singer-actress.
Kung ating babalikan, maaaring as early as then ay secretly in love na si Matteo kay Sarah kaya nang hindi magtagal ang relasyon ng singer-acrtress kay Gerald ay saka naman siya pumasok sa eksena. Sa ngayon ay magta-tatlong taon na rin ang relasyon ng dalawa.
Kung noon ay hindi gaanong open ang relasyon nina Sarah at Gerald, ngayon naman ay hindi na itinatago ng magkasintahan ang kanilang pagiging mag-sweetheart.
Si Matteo na nga kaya ang magdadala sa altar kay Sarah balang araw?
Sa ASAP kahapon ay pinag-usapan ang kasalan at nang mabiro si Sarah na isa sa mga host ng programa, ang sabi ni Sarah sana sa 2020. So apat na taon ang ipaghihintay ni Matteo?
John pinayuhan si Baron na magbago na
Aware si John Regala sa mga gulong kinasasangkutan ng mahusay na actor na si Baron Geisler kaya pinayuhan niya ito na huwag umano siyang (John) gayahin na maraming taon ang sinayang dahil sa masamang bisyo na kanyang pinasok noon.
Ayon kay John, mabait umano si Baron. Nag-iiba lamang daw ito kapag nakakainom. Ito raw ang kailangang iwanan ni Baron kung gusto nitong umayos ang kanyang buhay.
Nakausap namin si John sa intimate presscon na kanyang ipinatawag na may kinalaman sa negosyo at adbokasiya na kanyang pinasok, ang water bonsai sa tulong ng organic root grower.
Halos walang nakakaalam na isang environmentalist si John na siyang naging daan para mabuo ang Project Green Evolution, Inc., isang korporasyon na binubuo ng anim na young entrepreneurs na pinangungunahan mismo ni John bilang president at CEO, si Clair Baniaga bilang treasurer, ang inventor na si Edwin dela Torre, kasama sina Dennis Bialen bilang secretary, William Galvan bilang auditor at si George Sison naman ang in charge sa marketing. Since iisa ang kanilang adbokasiya at paniniwala, naniniwala si John na kaya nilang mapalago ang kanilang negosyo at mai-share sa lahat para magkaroon din sila ng sariling pagkakakitaan bukod sa ito’y makakatulong sa kalikasan.
Fans nina Jodi, Richard at Ian sanib-puwersa
Ngayon pa lamang ay excited na ang mga tagahanga nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap at Ian Veneracion dahil napagsama ang tatlo sa isang romantic-comedy movie na Acky Breaky Heart na pinamamahalaan ni Antoinette Jadaone for Star Cinema.
Tiyak na in full force ang suporta ng televiewers ng mga nagtapos ng TV series na Be Careful with My Heart at Pangako Sa `Yo kung saan magkahiwalay na nabuo ang loveteam nina Jodi at Richard gayundin ang team-up nina Jodi at Ian.
- Latest