^

PSN Showbiz

Kakaibang kasalan tampok sa KMJS

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iba’t ibang kuwento na naman ang dapat abangan ngayong Linggo (June 5) sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Bago matapos ang buwan ng Mayo ay ginanap ang chic at rustic wedding nina Kapuso star Solenn Heussaff at ng kan­yang ka­sintahan na si Nico Bolzico sa Eglise Notre Dame sa Combourg, France. Pero dito sa Pilipinas, isang natatanging kasalan din ang ginanap sa Bulacan kamakailan. Ang nagmistulang bridal car kasi ng bride na isang bombera ay ang kanilang fire mobile. Ang groom naman na alagad ng batas, tila wala na talagang kawala, dahil police car ang naghatid sa kanya sa altar.

Tag-ulan na kaya naman asahang muling sasalakay sa mga bukirin ang mga salagubang. Ang pinakamabisa raw na paghihiganti sa kanilang pamemeste ay ang pagkain sa mga insektong ito. Kaya naman sa Nueva Ecija, may iba’t ibang luto sa salagubang: minanggahan, ginataan, at kinamatisan. Ang ilang mga taga-Iloilo naman, naniniwalang may medicinal value ang mga insektong ito. Pero para sa iba, ang mga salagubang ay pinagsasabong din.

Sa bayan naman ng Lucban, Quezon, may grupo ng riders na dumausdos sa mga pakurbang kalsada gamit ang kani-kanilang longboards habang bumubuhos ang ulan. Ang simpleng laro naman na Jack n’ Poy o Bato-Bato-Pick, kayang-kaya rin daw ga­wing riot. Maki-throwback din sa paboritong gawain noon ng mga kabataan tuwing umuulan—maglaro ng bangkang papel.

Isang video naman ang umantig sa puso ng KMJS kung saan mapapanood ang mag-asawang sina Rochelle at Jun Bert mula sa Romblon. Hawak-hawak ni Rochelle ang dextrose ni Jun Bert, na kasalukuyang may brain cancer, habang inaawitan ito. Hanggang saan nga ba ang kayang isakripisyo ng isang kabiyak sa pinangakuan niyang hindi niya iiwan, sa kalusugan man o karamdaman?

Abangan ito at ang iba pang kuwento ngayong Linggo (June 5) sa Kapuso Mo, Jessica Soho, sa GMA-7.

BUNKHOUSES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with