^

PSN Showbiz

Nauna kasi ang yabang female personality na biglang bulusok, pa­rang bulalakaw ding nalalaos

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Biglang angat at biglang bulusok. Parang bulalakaw lang pala siya na bigla na lang sumulpot pero agad-agad ding nawala. Ganu’n kung ilarawan ng maraming taga-showbiz ang isang babaeng personalidad.

Binulabog niya ang mundo ng lokal na aliwan nang sumulpot siya mula sa kung saan, ang dami-dami niyang tagahanga, nagkatusak din ang kanyang mga raket kasama na ang pag-eendorso niya ng kung anu-anong produkto.

Pero ang bulalakaw nga ay madaya. Maliwanag pero bigla ring nawawala. Sa isang pikit mo lang ay wala na ‘yun. Parang ang kapalaran din ng female personality na dati’y napakainit pero ngayo’y mali­gamgam na.

Isang source ang nagkuwento na hindi na pala ini-renew ng mga ahensiya ang kanyang trabaho. Maigsian lang ang pagkuha sa kanya dahil ngayo’y ibang personalidad na ang nag-eendorso ng mga produktong ipinagmamalaki nu’n ng kanyang mga tagasuporta.

Reaksiyon ng source, “Ni hindi nga siya naka-lockout nang one year. Short contract lang. Naisip din siguro ng mga agency na hindi naman siya magtatagal.”

Malaking-malaki ang ibinagsak ng karera ng babaeng personalidad

Komento ng marami ay nauna kasi ang kanyang pagmamaangas. Bait-baitan sa harap ng mga camera pero sa personal ay kabaligtaran ‘yun.

“Akala siguro niya, e, made na siya. Aysus, ni wala pa nga siyang napatutunayan! Novelty lang siya, uso lang, dahil ngayon, e, ramdam na ramdam na ang pagtamlay ng career niya,” komento naman ng isang TV personality.

Sarkastikong komento pa ng isang be­king nakatutok na nu’n pa sa pag-uumpisa ng female personality, “Palipas na siya. Namaos na ang mga dating tumitili sa kanya. Napagod na ang mga kamay nila sa pagpalakpak. Wala naman palang itatagal ang babaeng ‘yun!”

Ubos!

Umaalingawngaw na boses sa TV5 ni Martin Andanar, aarangkada sa Malacañang

Malungkot ang kapaligiran sa Radyo Singko nu’ng nakaraang Biyernes. Kalat na kalat na kasi ang balita na tinanggap na ng guwapo at mabikas na news anchor na si Martin Andanar ang magi­ging bagong trabaho niya sa poder ni President-elect Rodrigo Duterte.

Siya na ang papalit kay Mr. Sonny Coloma bilang tagapamuno ng Presidential Communications Operations Office (PCOO). Kailangan na niyang iwanan ang mahigit na dalawang dekada niyang pagtatrabaho bilang news anchor ng TV5, ABC-5 pa lang ang network ay nandu’n na siya, magiging malungkot ang lahat ng kanyang mga katrabaho sa istasyon sa pagtanggap ng malaking hamon sa kanyang kapasidad.

Magbabago na ang timplada ng Punto Asin­tado nila ni Erwin Tulfo tuwing umaga sa Aksyon TV-41-92.3 News FM. Balanse ang kanilang atake dahil kung brusko at matapang si Erwin ay cool na cool lang si Martin.

At ang pinakamami-miss ng lahat kay Martin ay ang pagiging boses niya ng Radyo Singko at TV5 News. Boses ng guwapong news anchor ang nari­rinig mula umaga hanggang gabi ng publiko, siya rin ang nagpasimula ng PodCast at siya ang ama ng News5 Everywhere, hindi na maririnig ang kanyang boses sa Radyo Singko kapag nagsimula na siyang maglingkod sa PCOO ng Palasyo

“Napakalaking challenge nito para sa akin, pero dahil sa suporta ng mga kasamahan natin sa media, magiging magaan ang trabaho ko. Sana nga, magkatulungan kaming lahat,” mapagkumbabang pahayag ni Martin Andanar.

Hahanapin namin ang kanyang pre­sensiya sa TV5, mami-miss namin ang kanyang mga biro, siguradong ma­mi-miss namin ang kanyang boses na uma­alingawngaw sa himpapawid na nakasanayan na naming marinig nang maraming taon.

OPERATION SMILE CEBU MISSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with