Asawa ng GMA reporter na ‘nilandi’ ni Pres. Duterte, mahaba ang sama ng loob
PIK: Ngayong tapos na ang eleksyon, gustong mag-focus ni Alfred Vargas sa kanyang pamilya at trabaho bilang congressman ng 5th district ng Quezon City.
Pero gusto pala sana ni Alfred na makabalik sa pag-aartista dahil ito raw talaga ang first love niya.
Aniya; “Siguro kailangan ko rin aminin sa sarili ko na gusto ko rin mabigyan ng magandang kinabukasan ang family ko. Siguro para makadagdag sa income ko, gusto ko rin sana makabalik sa showbiz at makagawa ng projects para makadagdag at magawa ko rin ang passion ko sa pag-arte.”
Kahit isang matinong pelikula at isang drama series daw sana ang magawa niya sa loob ng isang taon ay okay na sa kanya.
Kaya puspusan din ang pagpapayat niya para puwedeng-puwede na siya sa aktingan.
PAK: Hindi nilinaw ni Edgar Allan Guzman kung totoong nag-break na sila ng girlfriend niyang si Shaira Mae dela Cruz.
Kaya hindi sumipot ang aktor sa promo guesting nila ni Michael Pangilinan sa Tonight with Boy Abunda dahil iniiwasan niyang matanong tungkol sa kanyang lovelife.
Nang tanungin namin siya sa premiere night ng Pare Mahal Mo Raw Ako, nakiusap itong huwag na lang muna pag-usapan dahil inaayos pa niya ang lahat.
“Inaayos ko na lahat, Ako na mismo ang magpa-interview kapag okay na ang lahat,” pakli ng Kapamilya actor.
“Alam ko naman na maintindihan ni Tito Boy ‘yun eh.
“Gusto ko lang sana manahimik tungkol dun, pero tuwing may interviews yun lagi ang napapag-usapan. Sana tungkol na lang po muna sa trabaho ang pag-usapan,” sabi pa ni EA.
BOOM: Si Mariz Umali ng GMA News pala ang isa sa napagtripan ng incoming president Rodrigo Duterte sa isang presscon. Sinipulan niya si Mariz at biniro ito bago magtanong. Pero hindi naman daw na-intimidate si Mariz, kahit may mga kasamahang journalist din na natawa sa ginawa sa kanya.
Ang asawa niyang si Raffy Tima ang nag-react at naglabas ng kanyang saloobin sa nangyari.
Sabi ni Raffy sa kanyang Facebook account; “Catcalling my Wife is Wrong in So Many Levels:
“I expected that from a Mayor Duterte. I know his reputation well enough not to be shocked by it, but that does not make it right. For someone who espouses leadership by example, catcalling anyone in a press conference with all cameras trained on him defies logic. Then again, thats Mayor Duterte.
“What appalled me even more was how some people in the room reacted. Most laughed, others made teasing noise and basically urged the mayor to dish some more! And he did. I do hope none of them were journalists because if they were, shame on them.
“When you see or hear anyone say something wrong you do not encourage it, you do the opposite. Or in that particular instance at least, they should have kept quite and in their silence gave the message that what the mayor did was wrong.
“Some jokes are funny and should be laughed at…but disrespecting women is definitely not one of them.”
- Latest