Kobe magpapakitanggilas na sa UCLA!
Hindi man kasali sa eksena ang real mother ng magkapatid na Andre at Kobe Paras na si Jackie Forster, tiyak na proud at masaya ito para sa kanyang second eldest son sa ex-husband na si Benjie Paras na nagtapos ng high school sa Cathedral High School sa Los Angeles, California.
Kamakailan lamang ay grumadweyt si Kobe sa high school na dinaluhan ng kanyang ama, ng kanyang step-mom na si Lyxen Diomampo-Paras at kanyang kuya Andre.
Ang pag-usad ng kanyang basketball career ang major factor kung bakit sa Amerika lumipat ng pag-aaral si Kobe from De La Salle-Greenhills in 2013.
Although wala pang 18 year old nang lumipat si Los Angeles, natuto siyang mamuhay independently doon.
Ngayong tapos na ng high school si Kobe at papasok na sa kolehiyo, nakatakda siyang mag-enroll sa University of Califorinia in L.A. (UCLA) kung saan siya mapapabilang sa UCLA Bruins basketball team na pinamumunuan ni coach Steve Alford. Kobe was formally signed up to the team noong November 12, 2015. Kung hindi kami nagkakamali, si Kobe ang kauna-unahang Filipino basketball player na mapapabilang sa UCLA Bruins Team.
MMK nagbibigay ng inspirasyon
Kung ang Eat Bulaga na longest-running noontime show sa Pilipinas is turning 37 years old on July 30, 2016, ang TV drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK) hosted by actress and TV executive Charo Santos-Concio naman ang pinakamatagal na weekly drama anthology sa telebisyon na nagsi-celebrate ngayon ng kanilang silver anniversary or 25th year.
Taong 1991 nang simulan ng ABS-CBN ang Maalaala Mo Kaya na si Charo mismo ang host hanggang ngayon.
Dahil ito’y inspired at hango sa mga totoong kuwento ng buhay ng mga letter sender, nagbibigay ito ng inspirasyon, pag-asa at positibong value sa mga manonood kaya hanggang ngayon ay patuloy pa ring sinusubaybayan ang programa.
Charo is best remembered sa kanyang 1977 award-winning movie na Itim na idinirek ni Mike de Leon para sa Asian Film Festival kung saan siya nanalong Best Actress.
Anak ni Kring-Kring gusto nang maging singer
Isang kilalang singer-actress si Cristina “Kring-Kring” Gonzales-Romualdez bago nito napangasawa si outgoing Tacloban Mayor Alfred Romualdez. Ang mag-asawa ay may dalawang teenage daughters, sina Sofia at Diana Gonzales Romualdez.
Parehong shy ang dalawang bata pero nagpapakita na ang panganay na si Sofia ng interes sa musika na mukhang susundan ang yapak ng kanyang ina.
Supportive ang mag-asawang Mayor Alfred at Tacloban mayor-elect na si Kring-kring kung ipagpapatuloy nito ang kanyang career sa singing at musika.
- Latest