^

PSN Showbiz

Mas mabibigat na millennial issues haharapin sa Single/Single

Joaquin M. Henson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa episode 3 ng Single/Single Season 2, ang breakthough romantic comedy series ng PhilStarTV at Cinema One, isang ‘di inaasahang pangyayari ang yayanig sa mga bida at lubusang magbabago ng kanilang pananaw sa buhay.

Sa nakaraang episode, naging seryoso ang birthday glamping celebration ni Joey nang magsimula ang  Hugot Bonfire kung saan ang kwelang barkada nina Joee, Ranee, Benny, Tita Bianca, at iba pang bisita ay nag-share ng kanilang saloobin at mga bagay na gusto nilang baguhin sa kanilang sarili.

Bilang simbolo ng kanilang pagbabago, isa-isa nilang sinusunog ang mga personal na gamit na sumisimbolo sa mga bad habits, addictions at broken relationships para maka-move-on na at maging mas mabuting tao.

Nagulat ang lahat nang inilabas ni Joee si “Baby Jojo”, ang teddy bear na saksi sa na­un­sya­ming relasyon sa pagitan nila ni Joey. Ram­dam ang tension nang tumayo rin si Joey at nagsabing gusto rin niyang itapon ang bear kasama ang mga alaalang sinisimbolo nito. Sa gitna ng pagtatalo ng dalawa, naitapon nga ang kawawang si Jojo sa bonfire.

Kaya pa kayang lutasin ng ating mga bida ang issues nila sa isa’t isa? At sa pagpapatuloy ng kanilang glamping celebration, ano kayang magbabago sa kanilang mga buhay? Siguradong makaka-relate ka nang bongga sa episode 3! 

Pinagbibidahan ito nina Matteo Guidiceli at Shaina Magdayao bilang Joey at Joee. 

Subaybayan ang Single/Single Season 2 tuwing Linggo, 10PM sa Cinema One.

GOLDEN STATE WARRIORS

OKLAHOMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with