Pagkatapos magwaging best actress sa Cannes, Jaclyn tataas na ang TF?!
Parang bading pa... Male model na pamangkin ng bagong senador, binida ang puwet sa sex video; Tom Taus saksi sa drogahan sa mga concert
PIK: Pagdating ni Jaclyn Jose kahapon ng hapon, dumeretso agad siya sa presscon ng bago niyang programa sa GMA 7, ang A1 Ko Sa ‘Yo na tatampukan din ng mga Kapuso babes.
Bagong sitcom ito na kung saan binigyan ng isang mahalagang role si Jaclyn.
Pagkatapos niyang magwaging Best Actress sa katatapos na Cannes International Film Festival, back to normal na raw ang buhay niya at ganun pa rin naman daw ang takbo ng career niya.
Nagpapasalamat lang siya dahil hindi naman siya nawawalan ng programa at kasali pa nga siya sa The Millionaire’s Wife ng GMA 7. Kaya wala naman daw nabago, kundi baon lang niya ang masayang karanasan niya sa Cannes. Posibleng kayang tumaas ang talent fee ni Jaclyn dahil sa pagkapanalo niya sa Cannes? Ang PPL ni Perry Lansigan na ang bahala diyan!
PAK: Kalat na kalat ang sex video ng model at baguhang aktor na pamangkin ng bagong halal na senador.
Kuwento ng mga nakapanood nito, obvious na may ka-chat ito at doon niya ipinapakita ang pagpapaligaya sa sarili. Bongga naman daw ang modelong ito at meron namang ipinagmamalaki pero nagtataka lang ang mga nakapanood kung sino ang ka-chat niya dahil pati raw ang puwet nito ay ibinubulatlat niya at itinatapat sa camera. Girl o boy ba ang ka-chat niya?
BOOM: Si Tom Taus ang taga-showbiz na kilala naming nagdi-DJ kaya tinanong namin kung isa ba siya sa mga DJ na nag-perform sa kontrobersyal na event ng Close Up na kung saan limang tao ang namatay.
Nagpasalamat si Tom at hindi raw siya napasama roon. Pero aware raw siya na sa mga ganung event ay talagang talamak ang pagkakalat ng droga na tinitira ng ilang mga taong dumadalo, na karamiha’y mga kabataan.
Minsan daw harap-harapan ang pag-aalok na nakikita niya mismo pero never daw siya sumusubok ng ganun.
Dahil diyan, tiyak na maghihigpit na raw sa mga susunod na ganung klaseng event. Mabuti na rin daw iyun para maproteksyunan ang mga taong hindi naman nagdudroga, lalo na ang mga kabataan.
- Latest