^

PSN Showbiz

Mga klasikong love story na restored ipalalabas uli !

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ma-in love ngayong love month sa mga digitally restored at re-mastered na mga pelikula handog ng ABS-CBN Film Restoration at Powerplant Cinemas sa REELive the Classics ngayong Miyerkules (Feb 10) hanggang Martes (Feb 16) sa Power Plant Mall sa Makati.

Sa unang pagkakataon ay ipapalabas ng ABS-CBN Film Archives at Central Digital Lab ang nai-restore nitong 1977 Mike De Leon classic na Kung Mangarap Ka at Ma­gising tampok sina Christopher De Leon at Hilda Koronel na kwento ng estudyanteng si Joey (Christopher) na magkakagusto sa may asawa’t anak na si Anna (Hilda Koronel).

Magkakaroon ng espesyal na red carpet celebrity premiere sa Miyerkules (Feb 10), 7PM, sa Power Plan Mall.

Bukod sa naturang pelikula, tampok din sa unang pagkakataon sa REELive the Classics ang iba pang restored titles tulad ng Minsan Minahal Kita  ni Olivia Lamasan tampok sina Sharon Cuneta at Richard Gomez; Kakaba Kaba Ka Ba? ni Mike De Leon tampok sina Charo Santos, Christopher De Leon, at Sandy Andolong; at mga pelikula ni Rory Quintos na Basta’s Kasama Kita tampok sina Aga Muhlach at Dayanara Torres, at Love Me Again  tampok sina Piolo Pascual at Angel Locsin.

Para sa schedule, bisitahin lang ang www.facebook.com/filmrestorationabscbn sa Facebook. Ang regular ticket ay nagkakahalagang P230 habang P200 ito para sa mga estudyante.

AGA MUHLACH

ANGEL LOCSIN

CENTRAL DIGITAL LAB

CHARO SANTOS

CHRISTOPHER DE LEON

DAYANARA TORRES

FEB

FILM ARCHIVES

FILM RESTORATION

HILDA KORONEL

MIKE DE LEON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with