^

PSN Showbiz

Kaso ng pinaslang na anak, isyu ng edukasyon ngayong Sabado sa Imbestigador

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ngayong Sabado, Pebrero 6, tututukan ni Mike Enriquez at ng buong grupo ng Imbestigador ang kaso ng isang “chopchop” victim at aalamin ang plataporma ng mga presidentiable ukol sa isyu ng edukasyon.

Matindi ang hinagpis ni Aling Rosa sa sinapit ng anak niyang si Josefino na pinagsasaksak, “chinopchop”, at ibinaon sa hukay. Si Aling Rosa mismo ang tumutulong sa mga otoridad para puspusang hanapin ang mga itinuturong salarin. Inaabot siya ng magdamag sa pagbabakasakaling matatagpuan niya ang mga suspek.

Magbubunga ang pagsisikap ni Aling Rosa. Kasama ang Imbestigador, mabibingwit na ang isa sa mga pumatay kay Josefino at matutuklasan ang motibo sa karumal-dumal na sinapit ng biktima.

Edukasyon naman ang usaping tatalakayin sa Isyu ni Juan. Sa gitna ng mga naipatupad na pagba­bago, may mga kakulangan pa rin sa maraming pa­aralan sa bansa. May mga umaaray sa mababang su­weldo ng mga guro, at may mga mag-aaral na hindi tiyak kung sila ay makakapagtapos dahil sa kahirapan. Ilalahad ng Imbestigador ang solusyon ng mga kandidato sa pagka-pangulo sa mga suliraning ito.

‘Wag palampasin ang Imbestigador ngayong Sa­bado, pagkatapos ng CelebriTV sa GMA.

ACIRC

ALING ROSA

ANG

EDUKASYON

ILALAHAD

IMBESTIGADOR

JOSEFINO

MGA

MIKE ENRIQUEZ

NGAYONG SABADO

SI ALING ROSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with