^

PSN Showbiz

TV show ni Kris iibahin, magkakaroon na rin ng co-host!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na nakatakda umanong mag-reformat ang Kris TV, ang daily morning show ni Kris Aquino sa ABS-CBN?

Ayon sa isang source, iibahin na umano ang format content at titulo ng show at meron na siyang regular na makakasama sa programa na isang kilalang male news personality as co-host.

Kathryn si Daniel lang ang gustong katrabaho

Nakatakda nang magwakas on February 12 ang well-followed primetime teleserye ng Kapamilya Network na Pangako sa ‘Yo na tinatampukan ng Teen King and Queen na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kasama sina Jodi Sta. Maria, Angelica Panganiban, Amy Austria, Ian Veneracion at iba pa.

Halos walong buwan ding nasa ere ang programa na nakapagtala ng all-time high na 40.6% sa national TV rating noong nakaraang February 2.

Pero kung ikukumpara sa naunang Pangako Sa ‘Yo na tinampukan nina Kristine Hermosa, Jericho Rosales, Eula Valdez, Jean Garcia, Tonton Gutierrez at iba pa na pinamahalaan ni Rory Quintos at tumagal sa ere ng halos dalawang taon (2000 to 2002), masasabi pa ring hindi naabot ng version nina Kathryn at Daniel at maging nina Jodi, Angelica, at Ian ang record na naitala ng original and the very first teleserye on Philippine television na ipinalabas maging sa ibang bansa ng Asya.

Samantala, sa pagtatapos ng serye, may bagong movie na gagawin sina Daniel at Kathryn bago ang movie na pagsasamahan nina Vice Ganda at Daniel. Na-excite rin si Kathryn nang makarating sa kanya ang balita na gusto siyang makatrabaho ni Jericho Rosales sa isang mala-Bodyguard project either sa pelikula o sa isang teleserye.

Aware rin si Kathryn na darating ang araw na magkakahiwalay sila ng assignments ni Daniel pero kung siya lamang ang masusunod ay gusto niya na parating sila ng kanyang ka-loveteam ang magkasama sa mga proyekto.

Heneral Luna tatlong nominasyon ang nakuha sa Asian Film Awards

Masayang-masaya ang Heneral Luna lead actor na si John Arcilla dahil nominado siya bilang Best Actor sa darating na ika-10th Asian Film Awards na nakatakdang ganapin sa The Venetian Theater sa Macau sa March 17.

Bukod kay John, nominado rin sa dalawa pang kategorya ang Heneral Luna na idinirek ni Jerrold Tarrog at produced ng Quantum Films. Ito ay ang Best Costume para kay Carlo Tabije at Best Production Design nina Carlo Tabije at Benjamin Padero.

Pinatunayan ng nasabing movie na hindi kailangan ng isang major star o actor para tangkilikin o maging big hit ang isang pelikula. Mas importante ang ganda ng istorya at linis ng pagkakagawa.

Eugene hindi na nakatiis, gagawa na ulit ng pelikula

Mukhang tinapos na ng actress-comedienne-TV host na si Eugene “Uge” Domingo ang kanyang  pamamahinga sa paggawa ng pelikula na umabot din ng mahigit dalawang taon dahil nakatakda siyang gumawa sa taong ito.

Aminado ang mahusay na actress-TV host na na-burn out umano siya sa sunud-sunod na paggawa niya ng pelikula kaya siya pansamantalang nagpahinga at nag-concentrate muna sa kanyang TV career bilang host ng Celebrity Bluff at ngayon sa bago niyang advice program na Dear Uge.

Hindi rin ikinakaila ng actress na na-frustrate siya na hindi tinatangkilik ng mga manonood ang maraming matitino at well-crafted movies at isa ‘yun sa mga dahilan para pansamantala niyang talikuran ang paggawa ng pelikula.

ALIGN

AMY AUSTRIA

ANG

ASIAN FILM AWARDS

CARLO TABIJE

HENERAL LUNA

JERICHO ROSALES

KATHRYN

LEFT

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with