^

PSN Showbiz

Maraming artista na ‘nalunod’ agad, mabilis malaos

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Gustung-gusto namin ang pagiging grasyoso at ma-PR ng nobyo ni pop princess Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli.

Sa maraming okasyon na nakikita namin ang triathlele-actor ay hindi ito nakalilimot bumati at bumeso, bagay na wala sa ibang mga artista.

Marami ring mga artista ang kilala ka kapag nasa harap sila ng press conference pero hindi na kapag nakita mo sila sa ibang okasyon.

Ang isa pang maganda ang PR ay ang Ang Probinsyano star na si Coco Martin na natural ang pagi­ging palabati at palangiti.

May isa kaming naging karanasan sa isang young actress na nakasalubong namin sa escalator ng Shangri-La Plaza Mall. Paakyat ako at pababa naman siya. Nang magkatapat kami ay binati ko at tinatawag ko ang pangalan ng young actress pero dinedma ako. Ke kakilala ako o isang fan, dapat hindi umakto ng ganoon ang young actress. How much more if she’s already a big star?

Marami talaga ang nalulunod sa isang basong tubig na tagumpay lamang kaya karamihan sa kanila ay pawang “flash in the pan” ang kasikatan dahil hindi sila marunong makisama sa kanilang kapwa.

Kaya hinding-hindi ko ipagpapalit ang aking paghanga sa yumaong si Kuya Germs Moreno at Gloria Romero na kahit kailan ay hindi nagbago sa pakikitungo sa kapwa, kakilala man nila o hindi.

Si Matteo ay isa sa mga pangunahing bida ng bagong serye ng Kapamilya Network, ang Dolce Amore at balik-tambalan sa primetime TV nina Liza Soberano at Enrique Gil.

May-ari ng GMA nalungkot sa pagbabu ng Walang Tulugan

Nalungkot si G. Menardo Jimenez, dating CEO-Chairman at isa sa may-ari at board of directors ng GMA nang makarating sa kanya ang balita na tuluyan na ring mamamaalam sa ere ang 20-year-old na programa ng yumaong showbiz icon na si German “Kuya Germs” Moreno na ang huling episode ay mapapanood sa February 13.

In-acknolwedge ni G. Jimenez ang malaking kontribusyon na naibahagi ni Kuya Germs  sa GMA nu’ng ito’y nabubuhay pa.

Kung si G. Jimenez lamang daw ang masusunod ay gusto nito na ipagpatuloy sa ere ang Walang Tulugan kahit wala na si Kuya Germs bilang pagkilala sa kanyang malaking contribution hindi lamang sa Kapuso Network kundi lalung-lalo na sa mga kabataan na tinitingala ngayon  sa industriya.

Kuya Germs hindi matahimik?!

Mahal talaga ni Kuya Germs ang kanyang Walang Tulugan with the Master Showman program dahil nagparamdam siya sa huling episode ng prog­rama which was taped last January 29.

Malungkot din siguro ang pakiramdam ni Kuya Germs sa kanyang kinalalagyan ngayon sa nangyari sa kanyang show.

Smooth-sailing ang taping ng tatlong advance episode ng Walang Tulugan nang biglang nag-aberya ang CD player ng studio kung saan nakasalang ang minus-one at kakanta na sana ng kanyang final song, ang Walang Tulugan mainstay at star ng Destiny Rose na si Ken Chan.

Inabot din halos ng 30 minutes ang pagkakaroon ng technical problem kahit walang sira ang player dahil “nakialam’ si Kuya Germs.

Nang tawagin ang kanyang pangalan ay saka lamang naging okey ang lahat.

Kung hindi pa pagpaparamdam, hindi ko na alam kung anong tawag doon.

ACIRC

ALIGN

ANG

GERMS

HINDI

KUYA

KUYA GERMS

LEFT

QUOT

STRONG

WALANG TULUGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with