Kathryn vs Maine sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards
MANILA, Philippines – Apat na Filipino artists ang mag-aagawan para sa Favorite Pinoy Personality ng Nickelodeon Kids’ Choice Awards.
Pasok sa Asian category ng award sina Kapamilya stars Kathryn Bernardo, Enrique Gil at James Reid, habang si Maine Mendoza naman ang mula sa Kapuso station.
Napapanood ngayon sa primetime si Kathryn sa “Pangako Sa ‘Yo,” habang sa “On The Wings of Love” naman si James at ipapalabas din ngayong taon ang “Dolce Amore” ni Enrique.
Bumibida naman sa noontime si Maine na kilala sa tawag na “Yaya Dub” ng “Eat Bulaga.”
Samantala, nominado naman si De La Salle basketball player Jeron Teng sa Favorite Asian Sports Star kalaban sina Irfan Fandi, Kim Kurniawan, at Pandelela Rinong.
Kikilalanin ang mananalo sa paramihan ng online votes na kahit ilang beses bumoto sa kca.nick-asia.com/vote.
- Latest