Alden laglag, ‘di raw pambata ang background; James, Enrique, Kathryn, at Maine, matindi ang bakbakan sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards
MANILA, Philippines – Nominado sa 2016 Nickelodeon Kids’ Choice Awards (KCA) ang tatlong Kapamilya stars na sina James Reid, Enrique Gil, Kathryn Bernardo at ang better half ni Alden Richards na si Maine Mendoza.
Dahil diyan, pwede nang magsimulang bumoto ang fans nina James Reid, Enrique Gil, Kathryn Bernardo at Maine Mendoza in the Favorite Pinoy Personality category.
Para bumoto, magpunta lamang sa http://kca.nick-asia.com/vote. Pwede ring bumoto via Twitter with the #KCA hashtag kasama ang inyong chosen Pinoy personalilty.
You can vote as many times as you like kaya expected na ang AlDub Nation na talagang magbababad sa kanilang mga cell phone and computer at siyempre, pati na rin ang JaDine, LizQuen at KathNiel fans na siguradong hindi magpapataob kaya sagupaan na talaga ito!
Nasa 27th year na ang Nickelodeon Kids’ Choice Awards na kilalang-kilala saang mang panig ng mundo at ngayong taon, ang sikat na American singer na si Blake Shelton ang maghu-host.
Ilan sa mga na-nominate na sa KCA ay ang Pop Royalty na si Sarah Geronimo, Charice, at Daniel Padilla.
Nominado rin si Jeron Teng sa Asian hottest sports personalities category.
Teka, bakit kaya nalaglag si Alden sa nasabing award giving body? Tinalbugan pa siya nina James, Enrique at Daniel ha.
Ibig sabihin ba nito ay hindi nakumbinsi ang mga taga-Nickelodeon sa “karisma” ng Pambansang Bae? Naungusan pa siya ni Maine na wala pang isang taon sa showbiz at parang nadala lang naman siya.
- Latest