PANOORIN: Wedding video nina Vic, Pauleen
MANILA, Philippines – Pagkahaba-haba man ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy.
Ganap nang mag-asawa ang “Eat Bulaga” hosts na sina Vic Sotto at Pauleen Luna matapos magsumpaan sa harap ng altar nitong Sabado.
Naging masaya ngunit hindi rin naiwasang tumulo ang luha sa pag-iisang dibdib nina Vic at Pauleen sa St. James The Great Parish sa Ayala Alabang, Muntinlupa City.
"Sanay ako sa mga jowa lang... mga fling. Pero masarap pala sabihin yung 'asawa ko,’" wika ni Vic.
"Our story is not ideal. And a lot of people did not understand us, did not understand the kind of love that we have. A love that's so genuine it was just unbreakable," sabi naman ni Pauleen.
Pinatunayan ng dalawa ang kasabihang “age doesn’t matter” dahil sa laki ng agwat ng kanilang mga edad, kung saan 61-anyos na si Vic at 27 si Pauleen.
"You made me see that true love knows no age, no boundaries, beyond what the eyes can see, that true love is felt.," dagdag ni Pauleen.
Panoorin ang video na gawa ni Jason Magbanua na pinaganda pa nang awitin ni Reese Lansangan.
- Latest