^

PSN Showbiz

Kasal nina MJ at Oscar, binaha ng mga kilalang personalidad

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ang isa pang celebrity couple na ikinasal kahapon, January 30 ay ang TV5 entertainment anchor/reporter na si MJ Marfori at ang news reporter ng GMA 7 na si Oscar Oida na ikinasal San Agustin Church in Intramumos, Manila at reception sa Palacio de Maynila sa Malate, Manila.

Pinaghalo naman ang mga personalidad ng dalawang TV networks – GMA at TV5 na pinangunahan mis­mo nina Atty. Felipe Gozon at G. Manuel V. Pangili­nan kasama ang ilang political personalities na kamag-anak ni MJ being a Romualdez tulad nina Sen. Bongbong Marcos, Tacloban Mayor Alfred Romualdez at misis nitong si Tacloban Councilor Cristina “Kring-Kring” Romualdez. Kasama rin sa mga principal sponsors sina Manay Lolit Solis, Lhar Santiago, Jessica Soho, Vicky Morales –Reyno, Wilma Galvante, Luchi Cruz-Valdes, Atty. Francis Tolentino, Atty. Ferdinand Topacio at Howie Severino. Kasama rin sa wedding entourage sina Derek Ramsay at Bianca King maging ang mga kilalang news personalities tulad nina Mike Enriquez, Mel Tiangco, Arnold Clavio na kabilang din sa mga principal sponsors.

Kasama naman sa mga groomsmen ang iba pang mga news reporters tulad nina Raffi Tima, Emil Sumangil, Doland Castro, Ivan Mayrina at iba pa. Invited kami sa kasal nina MJ at Oscar pero hindi kami nakadalo.

Our best wishes and congratulations MJ and Oscar!

Kasalang Vic-Pauleen, konti lang ang imbitado

Ganap nang official ang pagiging Mrs. Marvic Sotto ng Eat Bulaga Dabarkads na si Pauleen Luna matapos itong ikasal in a very private wedding rites sa kanyang nobyo sa loob ng mahigit apat na taon na si Marvic “Vic” Sotto na ginanap sa St. James The Great Pa­rish Church sa Alabang, Muntinlupa City kung saan regular na nagsisimba si Bossing (Vic). Ang close friend nina Vic at Pauleen at isa sa mga residents ng EB na si Ruby Rodriguez ang tumayong Matron of Honor habang ang anak ni Vic na si Vico Sotto ang tumayong best man. Maid of Honor naman ang best friend ni Pauleen na si Franchesca Que. Tumayong groomsmen ang dalawa sa mga kapatid ni Vic na sina Val at Maru Sotto kasama ang iba pang mainstays ng Eat Bulaga na sina Anjo Yllana at ang tatlong lola’s sa Kalyeserye ng programa na sina Wally Bayola (Lola Nidora), Jose Manalo (Lola Tinidora) at Paolo Ballesteros (Lola Tidora).

Kasama ang 2015 Miss Universe at isa sa mga best friends ni Pauleen na si Pia Wurtzbach sa mga tumayong bridesmaids kasama sina Leah Camille Agcaoili at Mara Isabel Sotto.

Malamang na ipakita on Monday, February 1 ang ilan pang mga kaganapan mismo sa kasal at reception nina Vic at Pauleen kahapon, araw ng Sabado.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANJO YLLANA

ARNOLD CLAVIO

BIANCA KING

BONGBONG MARCOS

DEREK RAMSAY

DOLAND CASTRO

KASAMA

MGA

PAULEEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with