Pero hindi pa raw sila break Angel umamin sa matinding pinagdaraanan nila ni Luis
Natuldukan na ang isyung nagkahiwalay na diumanong muli sina Angel Locsin at Luis Manzano. Ayon kay Angel ay hindi pa sila nagkakahiwalay ng aktor katulad ng mga napapabalita. “Hindi pa po. May pinagdadaanan lang po kami, pero inaayos naman po namin,” emosyonal na pahayag ni Angel. Sa mga taong mahal daw niya humuhugot ng lakas ng loob ang aktres ngayong may pagsubok sa relasyon nila ni Luis. “Kay Luis, humuhugot pa rin naman ako. Hindi pa rin naman nawala ‘yun kahit may problema kami nandiyan pa rin naman ‘yung pagmamahal. May mga kailangan lang kaming ayusin, I’m hoping na maaayos. Pasensya na kayo Tito Boy kung hindi na ako mag-e-elaborate. Natatakot ako na baka kung may masabi ako, imbes na maayos namin, baka makasama pa. Ayoko naman kasing manloko o magsinungaling. May inaayos lang ho kami,” dagdag ng dalaga.
Ibinahagi rin ni Angel kung ano ang estado ng buhay niya sa kasalukuyan. “Ako po ngayon ay medyo lost. Ako po’y hinahanap ko pa ang tamang daan,” makahuluganag pahayag ng aktres.
Derek nahirapan kay Kiray
Ibang-ibang Derek Ramsay raw ang masasaksihan ng mga tagahanga sa pelikulang Love is Blind na mapapanood na sa mga sinehan simula February 10. “I think this has got to be the funniest and craziest film I’ve done. It’s not your regular Derek movie and I’m very proud of myself. I’m happy that I was able to be part of a film like this,” bungad ni Derek.
Kailangang abangan ng mga manonood ang kissing scene ng aktor at ng isa sa mga katambal na si Kiray Celis. “Kayo mag-judge ha kasi di na ako nagsalita eh. Sabi niya kinain ko daw ‘yung labi niya, panoorin n’yo na lang. Let’s have some feedback after the movie. That’s just Kiray, that’s her personality and imagine mo what we’ll go through on the set. Nahirapan ako in the sense na hindi ako nagpapatawa. Nahirapan ako na hindi tumawa habang ginagawa ‘yung mga eksena,” nakangiting kwento ng aktor.
Kasama rin sa nasabing pelikula si Solenn Heussaff na dating kasintahan ni Derek noon. Malaki ang pasasalamat ni Derek dahil nagkaroon sila ng pagkakataong magkatrabaho ni Solenn. “Si Solenn naman, it’s great working with Solenn. Solenn and I, we have history. We are very good friends and it’s the first time we ever work together. So it’s a great experience to work with her and see her again,” paliwanag ng aktor.
Matatandaang nagtagal din ang relasyon noon nina Derek at Solenn.
- Latest