Mga bossing ng GMA inisnab nina Vic at Pauleen!
MANILA, Philippines – Wala pala ni isa mang top gun ng GMA 7 na invited kahapon sa kasal nina Vic Sotto at Pauleen Luna.
Yup, as in sa showbiz daw, ang mag-inang Mother Lily and Roselle Monteverde, AiAi delas Alas, at Lani Mercado lang ang invited. Pero umabot pa rin daw sa 200 ang guests kahapon. Pero karamihan daw talaga ay kamag-anak lang ng ikinasal na ang iba ay galing pang abroad.
Ang original plan pala ay 50 lang ang invited guests na hindi nga nasunod dahil sa mga kamag-anak pa lang ni Pauleen, almost 100 na raw. Si Vic daw ang may gusto na konti lang ang bisita dahil ang importante naman ay ang kasal dahil sobrang relehiyoso si Vic at Marian devotee ang comedian/TV host.
Angel parang hindi affected sa pinagdaraanan nila ni Luis
Bago nagsalita sa Tonight with Boy Abunda, normal na normal naman daw si Angel Locsin at parang hindi affected sa pinagdaraanan nila ni Luis Manzano.
Nag-shooting pa nga raw ito ng new TVC for Mang Inasal kung saan kaka-renew lang niya ng contract.
At ang dati pa rin naman niyang manager na si Tita Ethel Ramos ang kasama nito sa nasabing shooting.
Yup, si TIta Ethel pa rin naman daw ang nakikipag-negotiate sa mga endorsement ng actress kahit balitang si Ms. Malou Santos na ang nagha-handle ng career nito.
Matagal ding naging manager ni Angel si TIta Ethel pero pag tinatanong si TIta Ethel kung bakit nag-give up na siya sa pagma-manage sa actress, ayaw niyang magsalita. Basta ok daw sila ni Angel.
Speaking of Angel, sinabi nito kay Tito Boy Abunda na hindi sila split ni Luis at mayroon lang silang pinagdaraanan na kailangang ayusin.
Nauna nang inamin ni Luis kay MJ Felipe ng ABS-CBN na meron nga lang silang pinagdadaanan ng girlfriend.
Kung anu-anong rason na ngayon ang lumalabas sa sinasabing paghihiwalay nina Luis at Angel na parehong namang nagsabi na may pinagdaraanan lang sila at hindi pa sila hiwalay.
- Latest