Luis at Angel kumpirmado, split na talaga!
Kumpirmado na ang hiwalayang Luis Manzano at Angel Locsin matapos lumabas at umalingawngaw ang nasabing tsismis. Naganap daw ito pagkagaling nila sa kanilang bakasyon. At si Luis daw ang humingi ng hiwalayan.
Sa ngayong nasa kasagsagan ang promo ng Everything About Her na pinagsasamahan nina Angel at Gov. Vilma Santos ay hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang aktres. Baka kapag nakatapos na ang pagpapalabas nito ay at saka lamang magsalita si Angel.
Jasmine gumawa ng sariling problema
Kung anuman ang pinagdaraanan ngayon ni Jasmine Curtis Smith, siya lamang ang dapat bigyan ng sisi. Siya naman ang nag-post sa social media ng video na hinahalik-halikan siya ng kanyang bayaw na hilaw na si Erwan Heussaff, na agad din niyang binura nang napagtanto niya marahil na hindi maganda ang imahe na ibinibigay nito. Maging si Anne Curtis ay hindi nagandahan sa video, at ipinost niya rin ang disappointment niya.
Understandable na ipagtanggol si Erwan ng sister niya (Solenn Heussaff) at sabihing walang malisya ang video, pero opinyon niya ‘yun. Pero wala silang (Erwan) blood relationship ni Jasmine. Kahit saang anggulo mo tingnan, hindi maganda ang ibinabadya ng video sa mga Pilipino.
Kylie mahilig sa mas bata?!
Marami ang nagtatanaong kung ano’ng relasyon meron si Kylie Padilla sa kanyang co-star sa seryeng Buena Familia na si Julian Trono. Nabibilang na rin ang araw ng pagtatapos ng kanilang serye at never nakarinig ang lahat ng sumusubaybay sa serye na may namumuong romansa sa dalawa. Katunayan mag-ate ang role ng dalawa sa serye. At kung may nababalitaan mang pinopormahan ang nakababatang aktor, hindi si Kylie ‘yun. Kaya nagtataka ang dalawa kung bakit nali-link sila at hindi lamang ito, sinasabi pang may relasyon na sila.
Nagdiwang ng kanyang 23rd birthday si Kylie sa set ng Buena Familia at bukod sa natural na pagiging malapit nila sa isa’t isa, wala namang nakitang ibang bagay na magtuturo na may relasyon sila.
Pero wala naman sigurong problema kung may relasyon na ang dalawa. O kung may basbas ‘yun ng ama ni Kylie. Nasa hustong gulang na ito para pumili ng kanyang mamahalin. At kung si Julian nga ‘yun, eh ‘di congratulations sa nakababatang aktor. Si Kylie marahil ang kapalaran niya.
Kapalaran nina Bianca at Miguel hinihintay na
Naunang sumulpot ang character ni Bianca Umali sa seryeng Wish I May. Thankful lamang ang supporters niya na sa kabila ng pagkakaroon niya ng madrastang walang paglingap ay lumaki siya nang maayos.
Lumabas na rin kahapon ang character ni Miguel Tanfelix kaya mapapanatag na ang followers ng BiGuel. Ang hihintayin na lang nila ay ang magiging development ng characters ng magka-tandem.
- Latest