^

PSN Showbiz

Tiyuhin ni Raymond na si Cong. Amado Bagatsing, hindi kalaban ang turing kay Erap

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nagsabi na sa akin si Raymond Bagatsing na tutulong siya sa kampanya ng kanyang uncle, si incumbent Manila Congressman Amado Bagatsing na kumakandidato na alkalde ng Maynila sa eleksyon 2016.

Pamangkin ni Papa Amado si Raymond dahil magkapatid sila ni Boy, ang fadir ni Raymond. Ang sey ni Papa Amado, mas guwapo sa kanya ang tatay ni Raymond.

Dalawa sa mga miyembro ng pamilya Bagatsing ang pumasok sa showbiz, si Raymond at si Monina na nag-quit na sa pag-aartista.

Si incumbent Manila City Mayor Joseph Estrada ang isa sa mga kumakandidato na alkalde ng Maynila. Sa true lang, hindi itinuturing na kalaban ni Papa Amado si Papa Erap dahil magkaibigan sila.

Magaganda nga ang mga sinabi ni Papa Amado tungkol kay Papa Erap nang humarap siya kahapon sa entertainment press. Pati ang ibang mga kasali sa mayoralty race, hindi kalaban ang trato ni Papa Amado dahil mas pinahahalagahan niya ang pare-pareho na pagmamahal nila sa City of Manila at ang kagustuhan na maibalik ang glory days ng siyudad na malapit na malapit sa kanyang puso.

Kung sakaling mahalal siya na alkalde ng Maynila, balak ni Papa Amado na maging sentro ng arts, culture, at history ang lugar na kinalakihan niya.

Kabilang sa mga plano ni Papa Amado ang revival at construction ng Metropolitan Theater, ang imbentaryo sa mga sinehan at suporta sa Manila Film Festival, ang pagbabalik sa glory ng Maynila sa pamamagitan ng float parades at pagpapakita sa kasaysayan, sining. at kultura, ang conversion sa Roxas Boulevard bilang lugar ng mga painter at musicians at ang revival ng Intramuros.

Naniniwala si Papa Amado na matutupad ang mga pangarap niya para sa City of Manila sa tulong ng barangay officials, Manila Police, hotel and restaurants associations.

Natatandaan ni Papa Amado ang madalas na pagpapasyal sa kanya ng tatay niya sa Escolta noong bagets pa siya. Ang sey ni Papa Amado, ang Escolta ang Rodeo Drive ng Los Angeles, California noong kabataan niya kaya matindi ang kanyang pagnanais na maibalik ang kagandahan ng Maynila kapag siya ang nag-win na alkalde sa eleksyon sa Mayo.

Nakaka-relate ako sa mga sinabi ni Papa Amado dahil ipinanganak at isinilang din ako sa Maynila.

Memoryado ko ang location ng lahat ng mga sinehan sa Escolta, Quezon Boulevard, at Carriedo.

Nakakalungkot isipin na wala na ang mga sinehan sa Maynila na pinupuntahan ko para mapanood ko ang mga Tagalog movie. Libre ang panonood ko ng sine noon dahil nakakapuslit ako sa mga bantay.

Nang maging reporter ako noong dekada ‘60 hanggang dekada ‘70, tambayan namin ang Escolta dahil nandito ang lahat ng mga opisina ng mga movie company.

At dahil bagets pa ako noon, naglalakad lang ako mula sa bahay namin hanggang sa Escolta. Sumasakay ako sa jeep at taxi kapag nakakaharbat ako ng datung.

Imbyerna sa akin noon ang ibang mga respetadong reporter dahil harbatera ako kaya panay ang irap nila sa akin.

Wish ko lang, matuloy na ang restoration sa Metropolitan Theater dahil tuwing eleksyon, ‘yun ang pangako ng mga kandidato sa Maynila, ang rehabilitation sa makasaysayan na teatro na malapit sa Quezon bridge.

Muling pagbuhay sa Metropolitan Theater, matuloy na sana

Si German Moreno ang isa sa mga masigasig na mapaayos ang MET pero hanggang sa mamatay siya, walang linaw kung kailan maililigtas ang teatro na pinamamahayan ng mga homeless at tambayan ng mga pokpok at addict.

Sa tuwing naliligaw ako sa Maynila at napapadaan ako sa MET, umaalingasaw ang amoy na mapanghi dahil sa kawalan ng disiplina ng mga kababayan natin na ginagawang comfort room ang nabubulok na teatro.

Hindi mukhang pa-mhin Andre binagayan ng balbas at bigote

Nakita ko sa EDSA ang billboard ng Girlfriend For Hire, ang launching movie ng YaNdre, ang loveteam nina Andre Paras at Yassi Pressman.

Balbas-sarado at may bigote si Andre sa billboard pero bagay sa kanya ang new look niya. May mga lalaki kasi na malakas ang loob na magpatubo ng bigote at balbas pero hindi bagay sa kanila as in nagmumukha sila na pa-mhin at pa-macho.

Huminto na si Andre sa paglalaro ng basketball para mag-concentrate sa showbiz career niya. Good decision ang ginawa ni Andre dahil ipinaubaya niya sa kanyang kapatid na si Kobe ang paglalaro ng basketball at nag-focus siya sa showbiz.

vuukle comment

AKO

AMADO

ANG

DAHIL

ESCOLTA

MAYNILA

METROPOLITAN THEATER

MGA

PAPA

PAPA AMADO

RAYMOND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with