^

PSN Showbiz

Guwapo at matangkad na aktor, bano pa rin sa aktingan kaya laging cause of delay

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Totoong-totoo na kahit gaano kaguwapo o kaganda ang isang artista ay nababalewala ‘yun kapag wala siyang bitbit na talento sa trabahong pinili niya. Du’n nag-ugat ang salitang hamonado.

Kapag hindi marunong umarte ang personalidad ay kinakabitan siya ng salitang hamonado. Basta guwapo lang, basta matangkad lang, pero hamonado pa rin.

Medyo sinuwerte na siya ngayon sa pagkakaroon ng mga proyekto, pero tandang-tanda pa ng aming source nu’ng hindi pa gaanong pinapalad ang isang male personality, halos duguin na ang kanyang mga direktor sa kabanuan niyang umarte.

Kuwento ng aming source, “Imagine, isang napa­ka­simpleng eksena lang na halos wala na ngang dialogue, pero hindi pa rin niya kayang itawid? Wala nang mahahabang dialogues ‘yun, ha?

“Halos duguin na ang mga humahawak na direktor sa kanya dahil cause of delay siya sa taping. Sa halip na makapag-pack-up sila nang maaga, e, tumatagal ang trabaho dahil sa maraming takes niya.

“Kaya hindi sapat ang basta guwapo at matangkad lang, kailangang marunong umarte, dahil lilitaw at lilitaw na wala talaga siyang talent,” kuwento ng aming impormante.

May pagkamaldita pa naman ang kaeksena niyang aktres, du’n lalong ninerbiyos ang guwapong aktor, lalong nagkabuhul-buhol ang kanyang mga dialogue.

“Wala siyang nabubuong linya, nabubulol na siya, e, nagkakaekis-ekis pa ang mga linyang sasabihin niya. Tanong ng kaeksena niyang girl na inip na inip na siguro, ‘Don’t you value your time?”

“Kasi nga, take seven na siya, paulit-ulit na kinukunan ang scene, pero talagang hindi niya maibigay ang tamang emotion at palagi siyang nagba-buckle. Sino nga ba naman ang hindi maiinis sa ganu’n?”

“Hindi siya nakalusot sa isang veteran actress na pagod at inip na, ang sabi sa kanya, ‘Boy, it’s already past my bedtime. Ibigay mo na ang lahat ng kaya mo, uwing-uwi na kaming lahat.”

“Pero wala pa rin, hamonado talaga siya, feeling niya siguro, e, tama nang passport sa pag-aartista ang itsura niya,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Nang pumunta raw sa Amerika kinalasan ng actor Luis at Angel dapat nang magpaliwanag sa isyung hiwalayan!

Kailangang linawin nina Luis Manzano at Angel Locsin ang mainit na kuwentong kalat na kalat na ngayon tungkol sa kanilang paghihiwalay. Ayon sa kuwento ay si Luis ang nakipag-break at naganap ‘yun pagkatapos nilang magbakasyon sa Amerika.

Hindi nanununog at nangunguryente ang pinagsimulan ng kuwento, wala itong intensiyong wasakin ang kanilang relasyon, pero may mga nagdududa pa rin na baka isang gimik lang ito para sa pelikula ni Angel kasama ang kanyang biyenang-hilaw na si Governor Vilma Santos.

“Ganu’n naman ang mga artista, idedenay nila ang kuwento kahit totoo naman, palalabasin pa nilang nag-iimbento lang ang nakakaalam ng scenario.

“Kailangang linawin agad nina Luis at Angel ang kumakalat na balita tungkol sa kanila bago pa ‘yun lumaki nang lumaki at kung anu-anong issue ang lumabas tungkol sa kanila,” paalala ng aming source.

Sa aming opinyon ay hindi na kailangan pang gawing gimik ang istoryang ito para lang kumita ang pelikula nina Angel at Governor Vilma. Kikita ang pelikula sa sarili nitong merito at sa walang kupas na galing sa pagganap ng Star For All Seasons.

Hindi rin totoong nakikisali lang sila sa usung-usong paghihiwalay ngayon ng mga kasamahan nilang artista, napakababaw na dahilan nu’n, hindi ilalagay sa alanganin nina Luis Manzano at Angel Locsin ang tatlong taon na nilang pagmamahalan sa ganu’n lang kababaw na sitwasyon.

ACIRC

AMERIKA

ANG

ANGEL LOCSIN

GOVERNOR VILMA

HINDI

LANG

LUIS

LUIS MANZANO

MGA

NBSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with