$300K korona ni Pia Wurtzbach bawal buwisan
MANILA, Philippines — Handang magbayad si Miss Universe Pia Wurtzbach ng buwis sa kaniyang mga naipanalo ngunit hindi para sa mamahaling koronang suot-suot niya.
Sinabi ni Pia na hindi ito maaaring buwisan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil hindi naman niya pagmamay-ari ang koronang punung-puno ng diamonds, crystals at sapphire.
Nagkakahalaga ng $300,000 o P14 milyon ang korona na nakatakda niyang ipasa sa susunod na kikilalaning Miss Universe kaya naman makakaiwas ito sa pagbubuwis.
Tiniyak naman niyang magbabayad siya ng buwis para sa iba pang nakuha niya nang koronahan siya bilang Miss Universe nitong 2015.
"I pay my taxes when I was with ABS-CBN… as an actress; when I was with Binibini, so I’ll continue on doing that as long as I’m earning money here, like everybody else," wika ni Pia.
Napag-usapan ang pagbabayad niya ng buwis matapos sabihin ni BIR commissioner Kim Henares na hindi exempted sa pagbabayad ng buwis ang beauty queen.
- Latest