Kahit nagtatago ang Japanese father AiAi gusto pa rin dalhin si Jiro sa Japan
Malapit nang lumabas mula sa wellness center si Jiro Manio at personal siya na susunduin ni AiAi delas Alas.
Matagal din na namalagi si Jiro sa wellness center dahil sa mga personal problem niya pero sa tulong ni AiAi, gumaling siya.
Hindi ko pa nakakausap si AiAi tungkol sa mga plano niya para kay Jiro na gusto na maging active uli sa pag-arte. Hindi na siya ang Jiro na super emote at hindi na siya bahagi ng showbiz.
May balak si AiAi na dalhin si Jiro sa Japan para makilala nito ang tunay na ama. Isa lang ang problema, nagtatago ang kanyang Japanese father na nawalan na yata ng tiwala sa mga Pinoy dahil sa traumatic experience niya.
Tiyak na mapapanood sa CelebriTV sa darating na Sabado ang paglabas ni Jiro mula sa wellness facility na malaki ang naitulong sa kanyang paggaling.
I-wish natin na tuloy-tuloy na ang pagbabago ni Jiro at higit sa lahat, tulungan niya ang sarili para sa kanyang full recovery.
Mt. Fuji nag-ala Mt. Mayon sa pagtatago sa mga turista
Nabigo ako na makita ang Mt. Fuji dahil sa snow sa Japan.
Sa buong maghapon, nangdedma ang Mt. Fuji na parang Mayon Volcano na hindi nagpapakita sa mga turista kapag wala sa mood.
Kahapon naman, kumain kami ng mga kasama ko sa Gonpachi, ang sosyal na restaurant sa Roponggi na dinarayo ng mga turista.
Sikat ang Gonpachi dahil dito nag-shooting ang cast ng Hollywood movie na Kill Bill na pinagbidahan ni Uma Thurman.
Maraming Hollywood stars at mga sikat na politician ang pumupunta sa Gonpachi, kahit tanungin ninyo sina Keannu Reeves at Sylvester Stallone.
Daraanan ng float ni Pia pinaiiwasan ng MMDA sa mga motorista
Sa Sofitel ang kick off point ng homecoming parade ni Miss Universe Pia Wurtzbach na mangyayari ngayong hapon, 2 p.m.
May advisory ang MMDA na iwasan ng mga motorista ang mga kalye na daraanan ng float ni Pia mula sa Roxas Boulevard, Taft Avenue, Quirino Avenue hanggang sa Ayala Avenue.
Isasara ng 3:30 p.m. ang northbound ng Ayala Avenue dahil sa ticker tape para kay Pia.
At dahil Lunes ngayon, mag-expect tayo na mas titindi ang dati nang nakakaloka na trapik sa Metro Manila dahil sa homecoming parade ni Pia.
Andre at Barbie balik-serye na uli
Ngayong gabi ang pilot telecast sa GMA 7 ng That’s My Amboy, ang bagong romantic serye ng loveteam nina Andre Paras at Barbie Forteza.
Garantisado na magugustuhan ng televiewers ang nakakakilig na kuwento ng That’s My Amboy. Sure ako na marami ang makaka-relate, lalo na ang fans na obsessed sa kanilang mga hinahangaan na artista.
Ang That’s My Amboy ang dahilan kaya sandali lamang na nagpahinga sina Andre at Barbie nang matapos ang The Half Sisters, ang top rating afternoon teleserye ng Kapuso Network na nag-babu noong January.
- Latest