Matagal kasi nag-live in magandang aktres nanawa kaya iniwan ang hunk actor
May kaibigan kaming walong taong nakipag-live-in sa kanyang boyfriend, pero nang magpakasal na sila, dalawang buwan lang ay nauwi rin ‘yun sa hiwalayan.
Walang maisagot ang aming kaibigan kung bakit ganu’n ang nangyari, basta isang umaga ay nagising na lang daw sila ng kanyang mister na parang wala nang init ang kanilang pagsasama, kaya nagdesisyon silang magkani-kanyang buhay na.
Wala pang kasal na sangkot sa kuwento ng paghihiwalay kailan lang ng isang hunk actor at ng isang magandang aktres. Pero matagal din silang nag-live-in, kasal na lang ang kulang sa kanilang relasyon, pagkatapos nang maraming taon ay sa hiwalayan din ‘yun nauwi.
Kuwento ng isang source, “Nawala na kasi ang mystery sa relationship nila. Wala nang bago, wala na ‘yung kilig, wala na ang excitement. ‘Yun ang disadvantage ng pagli-live-in, dumarating ‘yung point ng pagkakasawaan.
“Matutulog kayong magkatabi, ang unang makikita n’yo sa paggising, kayong dalawa pa rin. Wala na ‘yung mystery, wala nang excitement,” kuwento ng aming kausap.
Wala pang nagsasalita sa kanilang dalawa, puro haka-haka pa lang ang lumulutang na dahilan ng kanilang paghihiwalay, pero malinaw ang kuwento na si babae ang nakipaghiwalay kay lalaki.
Sabi ng isang source, “Matagal ang naging relasyon nila, tahimik ‘yun, walang mga isyu tungkol sa relasyon nila. Pero hindi nga pala guarantee ang haba ng panahon, pati ang kawalan ng controversy. Nauwi rin sila sa hiwalayan.”
Umaasa pa rin ang hunk actor sa posibilidad ng kanilang pagbabalikan. Hindi raw nakapanghihinayang ang pakikipaglaban sa ngalan ng pag-ibig. Pero kung talagang tinuldukan na ng aktres ang kanilang kuwento, mahirap man ay kayang tanggapin ng hunk actor, hindi raw ito mamimilit.
Ubos!
Mga dating inutangan kinalimutan! Karla namimili raw ng mga taong pagkakagastusan
May kuwento ang isang kaibigan naming stylist tungkol kay Karla Estrada. May mga kaibigan ito na nakakatrabaho ng ina ni Daniel Padilla.
Bonggang-bongga raw magpakain si Karla, parang may catering daw sa dami ng pagkain, bukod pa sa malakas siyang magbigay ng pakimkim sa mga make-up artist.
Magandang kuwento ‘yun, marunong palang magbahagi ng mga biyayang tinatanggap ng kanyang anak si Karla, kaya nga ang tawag na sa kanya ay Queen Mother.
Nang marinig ng isang grupo ang kuwento ay maraming kumontra, pinipili lang daw kasi ni Karla ang pabobonggahan niya, mas marami pa rin siyang napababayaan ngayong maganda na ang estado ng kanilang buhay.
Komento ng isang nasa umpukan, “Naku, e, bakit ‘yung mga taong inabala niya nu’ng walang-wala pa sila, e, hindi man lang niya maalalang kumustahin ngayon? Kasalanan ba naman ng mga taong ‘yun ang lapitan sila palagi ni Karla nu’n?”
Sabi naman ng isa, “’Yun ngang friend ko na inutangan niya nu’n, hindi man lang niya maalala. So, ako na ang nagsabi kay Karla na bayaran ang utang niya, kasi, may capacity na siyang magbayad ngayon.
“Kundi ko pa siya sinabihan, siguradong hindi pa rin siya masisingil ng kaibigan ko. Nu’ng minsang may nangumusta sa kanya, ang sagot ni Karla, ‘Heto, pagod na pagod sa pagbibilang ng pera!’
“Na-offend ang dating kasama-sama niya sa mga shows, bakit daw ganu’n si Karla, ang yabang-yabang na? Marami siyang nakakalimutang balikan. ‘Yun ang mga taong kahit anong oras, e, binubulabog niya para lang siya manghingi ng tulong.
“Kaya sabi nga ng mga becki, ‘Aanhin mo ang mansiyon, kung nagmumura pa rin ang balakang mo at puson?’ May amnesia ang babaeng ‘yun!” napakadiin pang komento ng aming source.
- Latest