^

PSN Showbiz

Kaya nag-resign sa show nila aktor hindi kinaya ng konsensiya ang aktres

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ang dialogue ng TV host/actress (TVA) na “bakit mo ginawa ‘yun, were not close” ang isa sa mga naiisip na rason kung bakit minabuti ng actor na kasama niya sa isang show na tuluyang mag-resign na kanilang pinasikat na magkasama.

Hindi nagustuhan ni TVA ang nakarating sa kanya na isinagot diumano ng actor sa isang interview at tanungin tungkol kay TVA. O baka, nadagdagan ang ipinara­ting sa kanyang sinabi ng actor, kaya ito nagalit?

Nang magkita sa taping ng kanilang show, ‘yun ang dialogue ni TVA sa actor na nagulat sa narinig. Inakala siguro ng actor na dahil mata­gal na silang magkasama ni TVA at nagkakabiruan, masasakyan nito ang pagbibiro niya sa interview.

Nag-sorry ang actor on national TV at tinanggap ni TVA, pero hindi na bumalik ang masaya nilang samahan. Para hindi mag-suffer ang show, nag-resign na lang ang actor. Masaya pa rin ang show, pero hinahanap ng viewers ang actor at mukhang hindi na ito babalik.

Solenn hindi reklamador!

Pasalamat si Kiray Celis na mabait at hindi mareklamo si Solenn Heussaff, kaya wala itong reaction kahit in-upstage sila ni Kiray sa presscon ng Love Is Blind. Sa first part ng presscon, si Kiray ang bumangka at sa second part na bumawi si Solenn, pinabayaang umeksena si Kiray, kahit pareho silang bida sa rom-com movie ng Regal Films sa direction ni Jason Paul Laxamana at showing sa February 10.

Hindi kinakitaan ng insecurity si Solenn at pinabayaang maging bida si Kiray, nakinig at nakangiti lang ito at nagdadagdag pa ng information sa shooting ng movie. Pero nang makasingit, siya naman ang bida lalo na nang mapag-usapan ang past relationship nila ni Derek Ramsay.

Ang cute ng itsinika ni Solenn na “noong minahal ako ni Derek, sobrang mataba ako. Hindi rin ako blinded nang maging kami dahil kung blinded ako, one night stand lang ‘yun, pero it lasted for four years.”

Hindi lang ang Love Is Blind ang ipinagmamalaki ni Solenn, pati na ang #Lakbay2Love movie nila ni Dennis Trillo na nabigyan ng graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB). Showing ito sa Feb. 3, sa direction ni Ellen Ongkeko-Marfil. Must-see movie ito at advocacy movie tungkol sa environment.

Samantala, makikita ng mga kababayan natin si Solenn sa London sa Feb. 12 sa GMA Pinoy TV event at sa Paris, France sa Feb. 14 para sa Handog Paris-Philippine ball sa Club Haussman.

Ruffa ipinalit kay Roxanne

Hindi typo error ang nabasa sa press release ng Bakit Manipis Ang Ulap?, totoong kasama sa cast si Ruffa Gutierrez, wala lang siya sa presscon ng TV5 drama series na mapapanood na simula Feb­ruary 15. Sumunod pa nga sa pangalan ni Clau­di­ne Barretto sa press release ang pangalan ni Ruffa.

Kung bakit wala sa presscon si Ruffa, hindi nasabi sa presscon. Ang alam lang, importanteng role ang gagampanan ni Ruffa. Siya ang papalit kay Ro­xanne Barcelo na mabilis mawawala ang karakter sa drama series.

Hindi sinabi kung bakit agad mawawala ang karakter ni Roxanne, pero sa presscon, siya ang gaganap sa role na ginampanan ni Chanda Romero sa pelikula. Aalamin natin kung pareho ng role ni Roxanne ang gagampanan ni Ruffa at kung paano papasok ang kanyang karakter.

Jerald Napoles hindi makapaniwala sa ginawa ni Valeen 

Ka-love team ni Jerald Napoles si Valeen Montenegro sa Sunday PinaSaya, kaya hindi maiwa­san na kahit sa presscon ng That’s My Amboy na hindi naman kasama si Valeen, tinanong pa rin si Jerald tungkol sa aktres na controversial ngayon.

Nabalitaan ni Jerald ang controversy, pero ayaw nitong makialam, ayaw tanungin si Valeen bilang respeto. Ayaw din niyang makialam dahil pare-pareho niyang kaibigan ang mga taong involved sa controversy. Ayaw ding maniwala si Jerald hanggang hindi kumpirmado at dahil walang alam sa isyu, ayaw niyang mag-judge.

Anyway, maipapakita ni Jerald ang husay niya sa comedy sa That’s My Amboy, gaganap siyang driver ni Andre Paras. Masaya raw kasama ang young actor, masipag mag-throw ng line at seryoso sa trabaho.

Thankful si Jerald dahil kahit saan siya magpunta ngayon, kilala siya dahil madalas mapanood sa TV. Simula sa January 25 na mapapanood ang That’s My Amboy.

ACIRC

ALIGN

ANG

HINDI

JERALD

LEFT

NBSP

QUOT

RUFFA

SOLENN

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with