^

PSN Showbiz

Kean ayaw pag-usapan ang asawa

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Marami ang nagsasabi na kaya napaaga ang pagpapakasal nina Kean Cipriano at Chynna Ortaleza ay dahil buntis na umano ang huli.

Sa presscon ng Love is Blind, hindi nagbigay si Kean ng detalye tungkol sa agaran nilang pagpapakasal ni Chynna at tungkol sa pagbubuntis nito ngayon.

Ang mahalaga ay pareho raw silang masaya ngayon.

Derek at Solenn naaliw kay Kiray!

Na-overshadow ni Kiray Celis ang malalaking stars sa presscon ng Love is Blind, ang Valentine offering ng Regal Films na tinatampukan din nina Derek Ramsay, Kean Cipriano at Solenn Heussaff

Karamihan ng mga tanong ay natuon sa dating Goin’ Bulilit at Luv U member na si Kiray habang nakikinig at naa-amuse lang ang ibang lead cha­racters ng pelikula.

Samantala, napakasuwerte talaga ni Solenn Heussaff dahil patuloy pa rin ito sa paggawa ng sunud-sunod na pelikula tulad noong mga nakaraang taon.

Bago ang showing ng Love is Blind ay mapapanood muna siya sa pelikulang Lakbay2Love na pinagtatambalan naman nila ni Dennis Trillo.

Veteran stars, libreng magpatalun-talon ng istasyon

Napakasuwerte ng mga veteran actors na kayang magpalipat-lipat ng TV stations at hindi nawawalan ng mga pro­­yekto at ilan sa kanila ay sina Eddie Garcia, Gina Pareño, Gloria Romero, Nora Aunor, Christopher de Leon, Tirso Cruz III, Lorna Tolentino at maraming iba pa.

Si Gloria Romero ay maraming taong na-identify sa Kapamilya Network pero lately ay sunud-sunod ang kanyang mga ginagawang proyekto sa Kapuso Network.

Identified si Gina Pareño sa ABS-CBN pero napapanood din ito sa mga programa ng GMA pero balik na naman siya sa Kapamilya Network dahil ka­sama na siya ngayon sa Ang Probinsyano TV series ni Coco Martin na may kung ilang beses na rin niyang nakatrabaho.

Bukod noon sa RPN9 na naging home studio niya ng maraming taon dahil sa kanyang Superstar show, nalibot na rin ni Nora Aunor ang ABS-CBN, GMA at TV5.

Unlike young stars, ang mga veteran stars ay walang exclusive contract sa mga TV stations kundi on a per project basis lamang.

Gina naaksidente sa Probinsyano!

Naikuwento sa amin ng dating Sampaguita star na si Gina Pareño na isinugod pala siya sa St. Luke’s Hospital (QC) noong January 7, araw na isinugod din sa nasabing pagamutan ang yumaong Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno.

Naaksidente si Gina sa taping ng Ang Probinsyano kaya agad siyang isinugod ng production staff sa pagamutan. Nasa ER si Gina at nasa ICU naman si Kuya Germs.

Matapos ang mga lab tests at mga paunang lunas, agad ding pinalabas ng pagamutan si Gina pero wala siyang kaalam-alam sa sitwasyon ni Kuya Germs.

Nagulat na lamang si Gina kinabukasan nang mapabalita ang pagyao ng Master Show­man na naging kasamahan din niya sa bakuran ng Sampaguita Pictures.

Still on Gina, kahit late bloomer sa pag-arte ang kanyang anak na si Racquel Pareño, ipinagmamalaki nito na may ibubuga ito sa larangan ng pag-arte.

“Hindi porke’t anak ko pero may talent sa acting si Racquel,” deklara ni Gina.

May mga okasyon na si Racquel ang gumaganap na young Gina Pareño in some projects.

Speaking of Racquel, napag-alaman namin na may dalawang cyst na tatanggalin sa kanyang dibdib and she will go under the knife ngayong Ja­nuary 29.

Pero walang dapat ipag-alala dahil hindi umano ito breast cancer.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

ATILDE

GINA

GINA PARE

KUYA GERMS

LEFT

MGA

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with