^

PSN Showbiz

Five years napahinga? Claudine nanibago sa mga hi-tech na ilaw at TV camera!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ang Bakit Manipis Ang Ulap? ang katuparan ng pangarap ni Claudine Barretto na makapareha sa isang project si Cesar Montano.

Ang sey ni Claudine, natupad ang dream niya noon na makatrabaho sina Aga Muhlach at Richard Gutierrez kaya happy siya sa pagtatambal nila ni Cesar sa upcoming drama series ng TV5 at Viva Communications.

Mula sa direksyon ni Joel Lamangan ang Bakit Manipis Ang Ulap na isa pa rin sa mga dahilan kaya dapat panoorin ang pagbabalik ni Claudine sa telebisyon.

Ang Iglot ang huling teleserye na ginawa ni Claudine noong 2011 sa GMA 7.

Limang taon nang hindi lumalabas si Claudine sa mga teleserye kaya nanibago siya nang magsimula ang taping ng Bakit Manipis Ang Ulap? dahil marami na ang nagbago kagaya ng mga ginagamit na hi-tech na ilaw at TV camera.

Para kay Claudine, ang teleserye na pinagbibidahan ang magandang Christmas gift na natanggap niya mula sa Viva. Sa mga hindi updated, talent si Claudine ng Viva at malaki ang kinalaman ni Boss Vic del Rosario sa kanyang pagbabalik sa showbiz.

Malulutong na dayalogo mapapanood pa rin sa TV remake ng Manipis!

Television adaptation ang Bakit Manipis Ang Ulap? ng pelikula nina Laurice Guillen, Tommy Abuel, Chanda Romero, Mark Gil, at Janice de Belen.

Natatandaan ko na ang Essex Films ang producer ng pelikula na pinilahan sa box office noong 1985. Si Danny Zialcita ang direktor at scriptwriter ng Bakit Manipis Ang Ulap?

Kilala si Danny sa pagsusulat ng mga malulutong na dialogue at magagandang kuwento kaya blockbuster ang kanyang mga pelikula.

Si Joel Lamangan ang direktor ng television adaptation ng Bakit Manipis Ang Ulap? Sinabi ni Papa Joel sa presscon na mapapanood pa rin sa television version ang mga crispy line na pinasikat ni Danny.

Mga senior citizen natuwa sa bagong sked ni Willie

Nagpahiwatig si Willie Revillame sa episode ng Wowowin noong Linggo tungkol sa pagiging daily show ng kanyang sikat na programa.

Tama ang hula ng lahat na araw-araw nang mapapanood ang Wowowin simula sa February 1.

Asahan natin na mas malalaking premyo ang ipapamahagi ni Willie sa kanyang top rating game show na mapapanood bago ang 24 Oras.

Natuwa ang fans ni Willie, lalo na ang mga matatanda nang malaman nila na malapit nang maging daily program ang Wowowin na perfect birthday gift sa kanya sa January 27.

Kaibigan talagang totoo Imelda Marcos dumalo pa rin hanggang pasiyam

Tunay na kaibigan talaga ni German Moreno si former First Lady Imelda Marcos.

Kung Marcos loyalist si Kuya Germs, Moreno loyalist naman si Madam Imelda na nakipaglibing sa yumaong television host.

Hindi natapos sa pakikipaglibing ang pakikiramay ni Madam dahil dumalo ito sa pasiyam para kay Kuya Germs na ginanap noong Linggo sa Sampaguita Events Place ng mga Vera-Perez.

Puwedeng hindi na pumunta si Madam sa pasiyam pero sumipot pa rin siya. Kung saan man naroroon si Kuya Germs, tiyak na maligaya ito sa pagmamahal na ipinakikita sa kanya ng Marcos family.

Cesar masaya sa buhay single

Nanindigan si Cesar Montano na happy siya na parang toothpaste at single dahil on-going ang annulment case nila ng kanyang misis na si Sunshine Cruz.

Idinaan ni Cesar sa biro ang sagot sa questions ng entertainment reporters na dumalo kahapon sa press launch ng Bakit Manipis Ang Ulap?

Knows ni Cesar ang demanda na nakaamba kung sasabihin niya na hindi siya single.

ANG

BAKIT MANIPIS ANG ULAP

CESAR MONTANO

CLAUDINE

IMELDA MARCOS

KUYA GERMS

MANIPIS

MGA

NBSP

STRONG

WOWOWIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with