Bangs ni Regine bidang-bida!
Sa unang araw pa lang nang i-post ni Regine Velasquez ang picture niyang naka-bangs, agad itong nag-trending sa hashtag na #SuperBangsNiRegine. At kung ‘di kami nagkamali, dalawang araw nag-trending ‘yun. Ang maganda pa, puro positive ang feedback sa bagong hairstyle ng Songbird at marami ang gustong gumaya rito.
Hindi nag-agree ang followers ni Regine sa sinabi nitong “Mukha akong cartoon character #kaloka #batabataan” dahil mas marami ang nagsabing bagay sa kanya at naging kamukha pa niya ang singer na si Carly Rae Jepsen.
Kahit sa presscon ng Royals, ang Valentine’s Day concert nila nina Martin Nievera, Angeline Quinto, at Erik Santos, napag-usapan din ang full bangs ni Regine.
“Favorite hairstyle ko ito, ginawa ko na a million times already. Wala lang, ‘di ko alam. Hindi nga ako dapat nagba-bangs dahil wala akong noo,” sabi ni Regine.
Samantala, hindi makakapag-celebrate ng Valentine’s Day sina Regine at Ogie Alcasid dahil sa February 13, ang Royals sa SM MOA Arena. Sa Feb. 14 naman sa Pacific Grand Ballroom ng Waterfront Hotel sa Cebu ang concert. Eh, may concert din yata si Ogie.
Sabagay, nakuwento ni Regine na there was a time na hindi siya gumawa ng Valentine’s Day concert just to enjoy the day.
Si Rowell Santiago ang director ng Royals at sina Raul Mitra at Homer Flores ang musical directors. First time na nagsama-sama ang apat, expect fireworks!
Rafael paiba-iba ang ugali
Ini-enjoy nang husto ni Rafael Rosell ang karakter niyang si Oliver sa Because Of You na minsan mabait at minsan ay masama. Pati ang pagtawag sa kanya ng viewers na a*hole siya ay hindi niya ipinag-react dahil totoo naman daw.
Imagine nga naman, iniwan niya sa altar si Andrea (Carla Abellana) tapos, babalikan nang sumikat at mas gumanda. Confused ang karakter niya at akala ay hindi na makakabawi.
Sa tanong kung ano ang nagustuhan niya sa Because Of You, ang atmosphere sa taping daw ay relax lang mula sa production staff hanggang sa cast.
Aktres nilinis ang mga ebidensya ng ‘relasyon’ sa TV exec na may dyowang aktres!
Binisita namin ang Instagram (IG) ng aktres na itinuturong rason ng paghihiwalay ng isang singer-actress at TV executive. May tsika kasing may selfie ang aktres at ang TV executive, pero wala na kaming nakitang picture.
Dinelete na siguro ang picture dahil deleted na rin daw ng aktres ang ibang posts na inaaway siya ng fans ng singer-actress. Pero sa nakaraang episode ng show na kasama ang aktres, parang okey naman ito, masaya rin sa set at hindi ramdam na may problema.
Wala pang reaction ang parents ng singer-actress sa umiinit na isyu, tiyak na matatanong sila dahil pareho silang sikat na celebrity.
Lovi natomboy kay Louise
Kababalik lang ni Louise delos Reyes from her U.S. vacation pero balik-trabaho na agad siya. Bago ang guesting sa Magpakailanman, nag-guest muna siya sa Celebrity Bluff at sa first week ng February ay tuluy-tuloy na ang shooting ng pelikula nila nina Aljur Abrenica at Enzo Pineda na Hermano Pule.
Maganda ang episode ng Magpakailanman nina Louise at Lovi Poe dahil tomboy dito ang huli at liligawan niya si Louise. Kakaiba rin ang role ni Louise sa Hermano Pule dahil sasabak siya sa matinding labanan.
L2L nina Dennis at Solenn may ‘Green’ Carpet Premiere
Isa sa magugustuhan ng moviegoers sa #Lakbay2Love ang original soundtack o OST. Ang gaganda ng songs sa movie na karamihan ay original at ginawa para sa movie na showing sa February 3 sa direction ng favorite naming si Ellen Ongkeko-Marfil.
Kasama sa songs sa movie ang Kilig na kinanta ni Solenn Heussaff, ang Liwanag ni Kai Honasan, at ang Overdrive ng Eraserheads.
Sana lang, pinakanta rin si Dennis Trillo ng isang song dahil kumakanta rin naman ang aktor.
Kaiba ang #Lakbay2Love dahil sa halip na Red Carpet ay Green Carpet premiere ang mangyayari sa Quezon Hall Amphitheater UP Diliman sa January 29.
- Latest