^

PSN Showbiz

Malayo pa lang, amoy na mga pamintang hunk actors nagkalat

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kapag nagkakasama-sama ang iba-ibang grupo ng mga becki ng showbiz ay ano pa nga ba ang nagiging sentro ng kanilang mga chikahan? Alangan namang pagluluto, paglalaba o pamamalantsa?

Ang kanilang kuwentuhan ay umiikot siyempre sa mga kalalakihan. Puwedeng mga machung-macho, mga nagpapa-macho, mga pamhintang buo at pamhintang durog.

Sa kanilang umpukan maririnig ang mga kumpirmadong kuwento, hindi basta haka-haka lang, meron silang malakas na pang-amoy kung sinu-sino ang kanilang mga kabaro pero nagsisipagdenay lang.

Kuwento ng isang becki sa umpukan, “Si ____(pangalan ng isang hunk actor), lalaking-lalaki raw? Susme! Lalaki rin ang hanap niya! Magtigil nga siya, e, mas magaganda pa nga ang brand ng pang-make-up niya kesa sa mga totoong make-up artists! Tantanan niya ako, ‘no!”

Sundot naman ng isang berdaderong bading sa grupo, “Ako, malayo pa lang sila, amoy na amoy ko na ang gender nila. Kahit pa magbuhat sila ng barbel sa harapan ko, e, wala silang maitatago, alam kong hairbrush ang hawak nila!

“Tulad na lang ni ____(pangalan ng isa pang hunk actor na matagal nang kinukuwestiyon ang kasarian), marami na siyang naging girlfriend, pero alam ko, hindi siya magiging maligaya sa girl!

“Please, isang kilometro pa lang ang layo niya, e, amoy na amoy ko na siya. Sa pagbasa-basa pa lang niya ng mga lips niya, e, confirmed nang miyembro natin siya, ‘no!”

At umeksena rin ang isa pang becki na inis na inis sa isang may kayabangang hunk actor kuno, “Du’n ako naiinis sa isang ‘yun. Pamhintang buo pa ang image niya, e, durog na durog naman siya sa mga pinaggagagawa niya!

“Saan ka naman makakakita ng lalaking-lalaki kuno na saksakan nang taray at busisi? Masyado siyang temaarts, lahat na lang, e, pinipintasan niya! Tapos, sasabihin niyang lalaki siya?

“Hooooy!!!! Sirena siya, ‘no! Hindi siya siyokoy! Isa siyang sirenang nuno ng kaartehan at kamalditahan! Magladlad na kasi para mabawasan ang kahitaran!” naiinis pang kuwento ng mahaderang becki.

Ubos!

Sawa na sa hirap Mark ayaw nang bumalik sa Germany

Pagkatapos ng Baker King ay pansamantalang nanahimik si Mark Neumann. May mga nagsabing bumalik muna siya sa Germany para makasama ang kanyang pamilya pero hindi totoo ‘yun. Nandito lang siya at patuloy na pinaghahandaan ang mga proyektong ipagkakatiwala sa kanya ng TV5.

At heto na nga, abala na uli ang guwapong binata, nagsimula na siyang mag-taping para sa Tasya Fantasya ng TV5 at Viva Entertainment katambal si Shy Carlos.

Kuwento sa amin ni Direk Ricky Rivero na may hawak ng serye, “Hindi lang siya guwapo, marunong siyang umarte. Nagulat nga ako, ganu’n na pala siya kagaling ngayon. At very professional siya. Ganu’n ang mga batang may gustong marating,” sabi ng batambatang direktor nang makakuwentuhan namin ito sa lamay ni German Moreno.

Nagustuhan na nga ni Mark ang manatili sa bansa kesa sa manirahan uli sa Germany. Mas madaling kumita dito basta magsisipag lang siya, mas mura ang mga bilihin, at sinuwerte pa siyang magkapangalan dahil sa Artista Academy ng TV5.

Sanay sa hirap si Mark. Batambata pa siya nang magdesisyong umalis sa Germany para maghanap ng trabaho sa England. Hindi pa siya tapos ng high school nu’n, kaya nagtinda siya ng diyaryo, naging factory worker, pinasok niya ang lahat ng klase ng trabaho para lang siya mabuhay.

“What I’m doing right now is nothing compared to my teenage life in England. Ang lamig-lamig, pero nagrarasyon ako ng newspaper sa mga bahay-bahay. Naranasan ko ring maging factory worker.

“Na-experience ko na ang buhay na mahirap, kaya itong pag-aartista ko ngayon na palagi akong pagod at puyat sa taping, this is not new to me anymore,” kuwento ng guwapong si Mark Neumann.

ACIRC

ANG

ARTISTA ACADEMY

BAKER KING

DIREK RICKY RIVERO

GERMAN MORENO

LANG

MARK NEUMANN

MGA

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with