^

PSN Showbiz

Sinira rin ang career ng ‘misis’ na aktres, mga Pinoy sa abroad pinag-iingat sa manlolokong tivoli na nagpapanggap na concert produ!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kailangang mag-ingat ng mga Pinoy performer sa pagtanggap ng mga shows sa ibang bansa lalo na sa isang malamig na bansang paboritong puntahan ng mga artista.

Nakakatakot kapag nakatrabaho nila ang isang show producer na kapag nandu’n na ang kinuhang performer ay bigla na lang nagwawala-walaan.

Palagi itong hinahanap ng kanyang mga kinuhang artista, pero napakarami nitong alibi, pagdating sa usapin ng pera ay kuwestiyonable ang nasabing producer.

“Magaling siyang makipag-usap, okey ang mga sinasabi niya, pero kapag nandu’n na sa place ang kinuha niyang performers, bigla na lang siya nawawala,” kuwento ng isang grupong binigyan ng paikut-ikot na pagtrato ng Pinoy producer.

Minsan nang pinagpistahan sa showbiz ang tibong producer na ito. Sa sobrang kayabangan ay inilabas nito ang mga retrato ng kanilang kasal ng isang young actress sa ibang bansa.

“Grabe ang ginawa niya, talagang ipinagbu­yangyangan niya ang mga personal photos nila. Ipinahiya niya ang girl na nangangarap pa lang sumikat nu’n.

“Naudlot tuloy ang popularity ng girl, todo-sabon ang inabot niya sa mga executives ng network kung saan siya contract star. Mayabang ang tibo, umalis lang siya ng Pinas dahil kinasuhan siya at nakulong pa nga,” dagdag na impormasyon ng aming source.

Ngayon ay aktibo na naman sa pagpoprodyus ng mga shows ang tivoli, hinihingan nito ng puhunan ang mga kapwa natin Pinoy, hindi sariling pera ang ipinangpupuhunan nito.

“May hiningan siya ng nine thousand dollars each, magdadala raw siya ng mga artista, pinagkatiwalaan naman siya ng mga kababayan natin. Pero pagkatapos niyang kunin ang datung, bigla na lang siyang nawala.

“Walang show, walang dumating na mga performers, kinuha lang niya ang pera ng mga Pinoy na kakilala niya. Tibo siya, katunog ng name niya ang pangalan ng isang sikat na tivoli ring international TV host,” pagsasarado ng aming source sa kuwento.

Ubos!

Kuya Germs payapa sa pagkakahimlay

Napakapayapa ng itsura ni German Moreno sa kanyang pagkakahimlay. Alam mong hindi siya nahirapan bago siya nalagutan ng hininga, ramdam mong may ngiti sa puso niya sa kanyang pamamaalam, bibiyahe sa kabilang buhay si Kuya Germs na baun-baon ang matinding pagmamahal sa kanya ng industriyang minahal niya.

Halinhinan sina Federico Moreno at John Nite sa pag-aasikaso sa mga nakikidalamhati sa kanilang pamilya. Nag-iisang anak ng Master Showman si Freddie at pamangkin naman ni Kuya Germs si John na isa ring TV host, anak ito ng kanyang kapatid na si Pilar, tatay ni John Nite ang sumikat na broadcaster nu’ng kanyang kapanahunan na si Roger Nite.

“Sa lap ko siya binawian ng buhay,” malungkot na pag-aalala ni John Nite na iniwanan ang kanyang trabaho bilang physical therapist sa Garfield Hospital sa Amerika para samahan na si Kuya Germs dito sa Pilipinas.

Hanggang ngayon, kapag tinatanong si Federico ng mga nakikiramay kung paano nila tatanggapin at paghahandaan ang pagkawala ng kanyang ama ay napipipi si Freddie, hindi lang ito napilayan kundi baldadung-baldado sa pagkawala ng kanyang papa.

Gabi-gabi ay punumpuno ng mga artista ang bakuran ng Mt. Carmel Church, nakikipagpaligsahan sa dami ng mga naglalakihang korona, mistulang flower shop na ang pinagbuburulan ng Master Showman dahil sa dami ng mga nakakaalala-nagmamahal sa kanya.

Ililipat ang kanyang mga labi ngayon sa GMA-7, ang istayong pinaglaanan ng masarap na loyalty ni Kuya Germs, bukas nang umaga na ang paghahatid sa huling hantungan sa isang alagad ng lokal na aliwan na kailanman ay hindi nagdamot ng espasyo para sa mga kabataang nangangarap magkapangalan.

ACIRC

ANG

FEDERICO MORENO

JOHN NITE

KANYANG

KUYA GERMS

MASTER SHOWMAN

MGA

NIYA

PINOY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with