^

PSN Showbiz

One Kapamilya Go! Opening salvo ng ABS-CBN at TFC sa Japan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Opening salvo sa Asya Pasipiko, ang pagsalubong ng ABS-CBN at The Filipino Channel (TFC) sa Japan sa pagtatanghal ng iconic One Kapamilya Go! (OKGo!) sa Chiba-Ken Bunka Kaikan sa Chiba Prefecture noong January 10.

Isinaad ng ABS-CBN Asia Pacific Managing Director Ailene Averion ang kaniyang kagalakan dahil bilang pambungad na offering ng rehiyon sa 2016, dinala ng ABS-CBN at TFC ang iconic event na OKGo! sa mga Filipino sa Japan.

Unang inilunsad sa U.S. noong 2008, ang OkGo! ang isa sa pinakakilalang event ng TFC dahil sa pagdadala nito ng naglalakihang mga pangalan sa Philippine entertainment industry para makisaya sa mga kababayan sa U.S., Austra­lia, Europe, at Japan para sa isang malaking selebrasyon ng galing ng Filipino at pagpapalaganap ng Filipino community

Sa Japan, una itong itinanghal sa Nagoya at Tokyo noong 2010 at sa ikalawang beses noong 2012 sa Tokyo muli. Ito naman ang kauna-unahang pagkakataong idinaos ito sa Chiba prefecture.

Bilang patunay sa malaking selebrasyong nakahanda para sa mga Pinoy sa Japan, pinangunahan ng blockbuster team nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ang selebrasyon. Nakasama nila ang ilan sa mga hottest Kapamilya stars na sina Shaina Magdayao, Maja Salvador, at Enchong Dee na ipinaramdam ang kanilang dynamite presence at ipinamalas ang kanilang mga explosive talents on stage.

Nakasama rin ang host at comedian na si Pooh na tiyak na nakapagpasaya sa mga Kapa­milya sa Japan.

Bukod sa stellar line-up at world-class perfor­mances, napanood din ng mga Kapamilya sa Japan ang Bea-John Lloyd-starrer, A Second Chance. Bukod dito, na-enjoy din ng mga Kapa­milya sa Chiba region at pati na ang kabuuan ng Kanto region ang booths mula sa Philippine Airlines at Asia Yaosho.

Bilang regalo ngayong Bagong Taon, nagkaroon ng complimentary tickets sa OKGo! Japan, ang mga loyal TFC subscribers sa Tokyo, Kanagawa, Saitama, at Chiba Prefecture

Barbie at Andre, raratsada na sa primetime

Hindi dapat malungkot ang mga fans nina Barbie Forteza at Andre Paras sa nalalapit na pagtatapos na ang The Half Sisters dahil mapapanood din agad ang kanilang tambalan sa upcoming primetime show na That’s My Amboy.

Gagampanan ni Barbie ang karakter ni Maru Carreon, isang hardworking na anak ng former actress. Si Andre naman ay si Bryan Harrison, isang hot celebrity.

Ano kaya ang magiging ugnayan nilang dalawa? Abangan ang kilig-romcom series na ito ngayong January na.

Rochelle Pangilinan, luluhod para sa lalaki?

Sa isang panayam sa Wish I May actress na si Rochelle Pangilinan ay sinabi niyang handa na siyang magpakasal sa kanyang long-time partner na si Arthur Solinap.

Nang tanungin kung ano ang kanyang mga plano ngayong bagong taon ay walang atubiling sinabi ng aktres na gusto na niyang magpakasal. “Ako na ang luluhod, ako na talaga!” natatawa niyang pag-amin.

GMA Telebabad shows, mapapanood na ng mas maaga!

Dahil sa lalong pinapainit na mga kaganapan sa GMA Telebabad shows ay mas maaga na rin silang mapapanood. Simula kahapon Lunes (Enero 11), pagkatapos ng maiinit na balita sa 24 Oras ay mapapanood na ang kapana-panabik na mga tagpo sa Little Nanay.

Susundan naman ito ng pampakilig ng Because of You at ng mga exciting na pelikulang hatid ng Kapuso Primetime Cinema.

A SECOND CHANCE

ACIRC

AILENE AVERION

ANDRE PARAS

ANG

ARTHUR SOLINAP

CHIBA PREFECTURE

JAPAN

MGA

NBSP

ROCHELLE PANGILINAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with